Hi…my name is Whil the best pusang gala in the whole world, and this is my story…
Ako ay isang pusang palaboy – laboy at napakababoy (sabi nila). Walang patutunguhan - kaya nga gala eh! Naging gala ako kasi mahirap ang buhay sa bundok, matarik ang daan at napakadilikado pa, kaya na-isip kong gumala sa kapatagan.
Sa paggagala ko sa kapatagan, aking natagpuan ang matatawag na tunay na tahanan. Masasabi kong tunay na tahanan ito dahil dito natutu akong makipamuhay kasama ang mga kasamahan kong pusang gala din kahit minsan di ko alam kong bakit ko sila kasama. Dito rin masaya ako at nakakalimutan ko ang bigat at pasakit ng mundo kahit sobrang dami nila at may natutuklasan ako - ang pagkatuso ng mundo. Higit sa lahat at sa kung anu pa man na natutunan ko dito, ay ang lumaban!.
Tawagin nating CHF ang tahanang aking tinutukoy, CHF stand for Cats, the Home of forsaken. Masaya dito lalaki ka, hindi lang pisikal na ka-anyuan pati na rin yung ibang dimensyon ng buhay ng tao.
Tatlong araw na ako sa loob ng CHF at so far masaya pa din ako, pero masasabi kong sinungaling ako kung sasabihin kong sa lahat ng oras ay naging masaya ako. Syempre, may mga mamalungkot at mahihirap na yugto rin ng buhay ang nararanasan ko sa loob ng aking tahanan o tamang sabihin na aming tahanan.
Natatandaan ko ang aking unang araw sa aming tahanan. Ang unang araw ko eh para ba’ng bagong buhay din, bakit? Kasi lahat ng ginagawa ko ay bago para sa aking. Naninibago ako sa kahit anong gawin ko, pero sinabi ko sa sarili ko pinili ko maggala sa kapatagan, so magtitiyaga dapat ako at ganun na nga ang nangyari.
Lumipas ang unang araw, mabilis at tila nakakabitin. Gusto kong balikan ang mga oras na nasayang at ang mga masasayang pangyayari sa unang araw ko, kaso wala na. Gumagabi na at dumidilim na ang kapaligiran. Kasabay ng pagdilim ang paglabas ng masasamang elemento at pagtangap sa katutuhanan. Naghahating gabi na at nakikilala ko na ang mga pusa sa aking kapaligiran, pero pinilit kong h’wag mabahala at h’wag na lang pansinin, kaso napupuot nang ng galit ang aking puso at baka hindi ko ito mapigilan, at kinalaunan sumabog pa.
Mabuti na lang at dinalaw ako ng kaantokan at mas ma-igi atang itulog na lang ito at sa pag sapit ng ikalawang araw at paglabas ng liwanag ay may lakas akong maibabato sa mga pusang nagpapangap at nagtatago sa dilim.
Sa loob ng ikalawang araw, naging mahinahon ang mga unang oras. Patuloy pa rin ako sa pananaginip na baka sakaling ang mga pangarap ay matupad. Bumibilis ang oras at tangahaling tapat na ng lubos kong maintindihan ang ibig sabihin ng salitang “hirap at tiis”. Naghirap at kasabay nito ang pagtitiis, dahil sa patuloy na panggigipit na ginagawa ng Master namin – ang Leon. Sabi ko sa sarili ko
“kaya ko to’h pusa rin naman sila, yun nga lang malalaki sila at hindi basta-basta! Pero lalaban ako”
At yun nga ang nangyari. May mga araw na gusto ko na lang bumalik sa bundok, pero may malakas na pwersang pumipigil sa aking galing sa masmataas na Panginoon, kaya ako sunod at tiis lang.
Magdidilim na ulit at papatapos na ang araw, nararamdaman kong kasabay ng nagbabang araw ang pagbagsak ng kapangyarihan ni Leon. Nakakatuwa pero na-iisip ko din na parang wala ng challenge kong siya ay baba na. Wala ng manggugulo, wala ng manggigipit, wala ng mangtatakot at wala na rin mapapalakas sa akin. Kay Leon natutunan kong lumaban at maging malakas. Sa araw-araw na pagmulat ng aking mga mata, kasabay nito ang pagmulat sa katutuhanan ng buhay, kaya di’ naglaoon ay naintidihan ko rin s’ya. Pero bakit kailangan n’yang gawin ang mga bagay na pinagawa n’ya sa amin? Sinira n’ya ang kangyang pangalan para maintindihan namin ang kahulugan ng salitang “buhay”. Hay! Ang hirap mag-isip lalo na kung ikaw ay tanga!
Nagdilim na at wala na ang araw, tapos na ang pagsikat ng liwanag sa aking mga mata. Panahon na naman para mag-isip sa kung anung bukas ang naghihintay, para ma-ihanda ang sarili. Panahon na para wakasan ang paghihirap at dapat magalak sa pagtitiis na nagbunga ng magandang pagkatutu.
Ika tatlong araw, masaya, maluwag, gawin mo ang dapat mong gawin o mas tamang sabihin gawin mo ang gusto mong gawin? Sa ika’tlong araw maraming pagbabago ang nangyari, kasama na ang mga tao, bagong master, bagong pusa at bagong laban na naman. Maraming bago kaya ang mga datihan ay para bang, ewan natuwa ba talaga? Siguro mayroon at mangilan-ngilan lang sila, at masasabi kong sila ay tunay na pusa – saludo ako sa kanila, sapagkat ang tunay na pusa ay nasa dugo ang pagkasipsip at pagkaplastik. Keso malambing daw, pero ang totoo eh nagugutom lang pala. Walang hiya ba’! Isa rin sa mga nagbago ang mga dating simpleng bagay ay ngayon naging magarbo at magastos. Ang mga dating pagtratrabaho ay naging pagkwekwentohan na lang. Ang dating laro na baril-barilan ay naging batohan ng Barbie doll na!!! marami pa kaso ayoko ko ng magsalita pa! sawa na ako, chaka baka maytamaan at lalong magulo ang buhay ko!!!
Nasasaktan ako at napipikon tuwing natatamaan ako ng ganitong mga bagay, pero natiis ko nga ang ikalawang araw ko at dito pa ba ako susuko? Ibukas ko na lang ang aking mga mata at magbakasakaling may pag-asa pa! kasabay din ng pagbukas ng aking mga mata ang paghanap sa kahulugan kung bakit ganito na ang dating tahanan kong matatawag.
Ganito man ang buhay sa CHF ayaw ko pa rin itong layasan, alam n’yo kong bakit? Ang lakas ng hatak ni bossing sa itaas eh! Ewan ko ba kung malakas lang talaga siya mangtrip o talagang mayroon s’ya misyon para sa akin…