Sunday, March 15, 2009

Ang Kaibigan Hinugot Kung Saan-saan

Ano nga ba ang tunay na kaibigan.... Sino nga ba ang mga kaibigan.... Lahat ba ng kaibigan ay tapat....Lahat ba ng kaibigan ay makikita mo kung sa oras ng pangangailangan.... O lahat ng kaibigan ay sadyang di nakikita o mas tinatawag na kaibigang hinugot kung saan-saan.

Sabi nga ng iba, kapag hindi ka daw nahihiyang tumawa sa harap ng kasama mo, halos tumalsik na nga ang laway mo sa mukha niya.. at kung hindi ka daw nahihiyang magpahayag ng iyong saloobin... ibig sabihin noon, kasama mo ang mga tunay mong mga kaibigan....

Kaya nga ang sayang magkaroon ng kaibigan, parati mong kausap, at halos parati mong nakikita.... pero paano kung ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang ang nakikipagusap... Anong tawag dun, kabaliwan o katangahan? O sadyang kaibigan mo lang na hinugot kung saan-saan!

Mahirap mang paniwalaan pero tunay ngang may nagaganap na ganito, mga pangyayaring di maipaliwanag ng mga sayantipiko... at tanging ang tao lang na nakakaranas ang nakakaalam nito... ano ba ang tunay, ano ba ang totoo? Baka naman imaginary friends lang o sadya lang talagang kaibigang hinugot kung saan-saan! hayyyy... Uumpisahan ko na nga... ang kwentong magpapaiyak sa inyo at halos ikaluluha niyo dahil sa pagaalala....

Isang araw may isang batang ubod ng tahimik, ubod ng saya, ubod ng kagalingan, ubod ng kagalakan, mukha na ngang ubod na patatas... Itong batang ito ay laging masaya,,, kahit wala namang nakakatawa, masaya parin siya... pero napansin namin na ang kasiyahang niyang iyon ay dahil sa hindi maipaliwanag na mga kausap... mga kausap niyang hindi naman namin makita... at pawang siya lang nag nakakakita! Anung tawag doon, katangahan o kabaliwan... O sadyang kaibigang hinugot kung saan-saan?

Ang batang iyon ay hindi mahirap kausap, pero medyo mahirap ding kausap... masaya naman siyang kasama, kasi sa tuwing nakikita mo siya tiyak na sisigla ka! Sa mukha niyang parang anghel at halos mapapaihe ka na sa salawal dahil sa jolly niyang mukha...

Hayyy... Buti pa iyong batang iyon di nawawalan ng mga kaibigan... Kahit saan siya magpunta meron siyang makakausap... Birumo kahit "Teddy Bear" nakakausap niya... Pati narin lapis at papel na halos parati niyang kasama saan man siya magpunta.... Pero ang hindi ko maintindihan, parang ang salita na ginagamit niya pagnakikipagusap sa hindi maipaliwanag na maliliit o malalaking kaibigan ay parang kakaiba... Di ko maintindihan. Parang mini voice,, o sinaunang salita, oohhh, parang salitang wala namang kahulugan...salitang lumalabas sa kanyang labing ginintuan at tila mapula at kissable pa...hayyzz.....

Ano kayang klase ang mga kaibigan niya? masaya bang kasama iyon? ano kaya ang language nila? ano kaya ang pinanggalingan nila? At bakit parang ang batang iyon lang ang nakakakita niyon... Pero kung tutuusin matulungin din siguro ang mga kaibigan niya... tinutulungan siya magrecite kapag hindi niya alam ang sagot sa itinatanong ng aming guro... lamang narin siya kasi, hindi naman nakikita ng aming guro ang mga kaibigan niyang hindi maipaliwanag...

Wooo... nakakakilabot naman,, naiihi na ako sa takot... baka mamaya sundan ako ng mga kaibigan niya... kaya dapat hindi ko awayin ang batang iyon... Pero kung tutuusin nakakaawa ang batang iyon. Lagi kasi siyang pinagtitripan ng iba,, halos ilublob na ang nguso niya sa putikan at pakainin pa ng patatas na hot and spicy...whooot! Halos nga ingud-ngod ang mukha niya sa inidoro na may maruming likido...nakakaawa naman siya.....Pero siguro dahil doon nagkaroon siya ng mga kaibigang di-maipaliwanag,, mga kaibigang nakakaintindi sa kanya sa oras ng pangangailangan... Kahit siya lang ang nakakausap o nakakakita,, kaibigang tapat, kaibigang totoo,, ano ba ito, kabaliwan o katangahan o sadyang otistik lang! haaa.... ang kaibigang hinugot kung saan-saan!

Kayo ang maghusga, katotohanan o kaotistikan!

after one year

hahaha...

joke lng...

virgin n ulit ako mgblog....

but anyway magpopost n ulit ako....

bsta...

abangan!...