CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Ano nga ba ang tunay na kaibigan.... Sino nga ba ang mga kaibigan.... Lahat ba ng kaibigan ay tapat....Lahat ba ng kaibigan ay makikita mo kung sa oras ng pangangailangan.... O lahat ng kaibigan ay sadyang di nakikita o mas tinatawag na kaibigang hinugot kung saan-saan.

Sabi nga ng iba, kapag hindi ka daw nahihiyang tumawa sa harap ng kasama mo, halos tumalsik na nga ang laway mo sa mukha niya.. at kung hindi ka daw nahihiyang magpahayag ng iyong saloobin... ibig sabihin noon, kasama mo ang mga tunay mong mga kaibigan....

Kaya nga ang sayang magkaroon ng kaibigan, parati mong kausap, at halos parati mong nakikita.... pero paano kung ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang ang nakikipagusap... Anong tawag dun, kabaliwan o katangahan? O sadyang kaibigan mo lang na hinugot kung saan-saan!

Mahirap mang paniwalaan pero tunay ngang may nagaganap na ganito, mga pangyayaring di maipaliwanag ng mga sayantipiko... at tanging ang tao lang na nakakaranas ang nakakaalam nito... ano ba ang tunay, ano ba ang totoo? Baka naman imaginary friends lang o sadya lang talagang kaibigang hinugot kung saan-saan! hayyyy... Uumpisahan ko na nga... ang kwentong magpapaiyak sa inyo at halos ikaluluha niyo dahil sa pagaalala....

Isang araw may isang batang ubod ng tahimik, ubod ng saya, ubod ng kagalingan, ubod ng kagalakan, mukha na ngang ubod na patatas... Itong batang ito ay laging masaya,,, kahit wala namang nakakatawa, masaya parin siya... pero napansin namin na ang kasiyahang niyang iyon ay dahil sa hindi maipaliwanag na mga kausap... mga kausap niyang hindi naman namin makita... at pawang siya lang nag nakakakita! Anung tawag doon, katangahan o kabaliwan... O sadyang kaibigang hinugot kung saan-saan?

Ang batang iyon ay hindi mahirap kausap, pero medyo mahirap ding kausap... masaya naman siyang kasama, kasi sa tuwing nakikita mo siya tiyak na sisigla ka! Sa mukha niyang parang anghel at halos mapapaihe ka na sa salawal dahil sa jolly niyang mukha...

Hayyy... Buti pa iyong batang iyon di nawawalan ng mga kaibigan... Kahit saan siya magpunta meron siyang makakausap... Birumo kahit "Teddy Bear" nakakausap niya... Pati narin lapis at papel na halos parati niyang kasama saan man siya magpunta.... Pero ang hindi ko maintindihan, parang ang salita na ginagamit niya pagnakikipagusap sa hindi maipaliwanag na maliliit o malalaking kaibigan ay parang kakaiba... Di ko maintindihan. Parang mini voice,, o sinaunang salita, oohhh, parang salitang wala namang kahulugan...salitang lumalabas sa kanyang labing ginintuan at tila mapula at kissable pa...hayyzz.....

Ano kayang klase ang mga kaibigan niya? masaya bang kasama iyon? ano kaya ang language nila? ano kaya ang pinanggalingan nila? At bakit parang ang batang iyon lang ang nakakakita niyon... Pero kung tutuusin matulungin din siguro ang mga kaibigan niya... tinutulungan siya magrecite kapag hindi niya alam ang sagot sa itinatanong ng aming guro... lamang narin siya kasi, hindi naman nakikita ng aming guro ang mga kaibigan niyang hindi maipaliwanag...

Wooo... nakakakilabot naman,, naiihi na ako sa takot... baka mamaya sundan ako ng mga kaibigan niya... kaya dapat hindi ko awayin ang batang iyon... Pero kung tutuusin nakakaawa ang batang iyon. Lagi kasi siyang pinagtitripan ng iba,, halos ilublob na ang nguso niya sa putikan at pakainin pa ng patatas na hot and spicy...whooot! Halos nga ingud-ngod ang mukha niya sa inidoro na may maruming likido...nakakaawa naman siya.....Pero siguro dahil doon nagkaroon siya ng mga kaibigang di-maipaliwanag,, mga kaibigang nakakaintindi sa kanya sa oras ng pangangailangan... Kahit siya lang ang nakakausap o nakakakita,, kaibigang tapat, kaibigang totoo,, ano ba ito, kabaliwan o katangahan o sadyang otistik lang! haaa.... ang kaibigang hinugot kung saan-saan!


Kayo ang maghusga, katotohanan o kaotistikan!

after one year

hahaha...

joke lng...

virgin n ulit ako mgblog....

but anyway magpopost n ulit ako....

bsta...

abangan!...

feelong ko?

These pass days I feel like an abandoned dog (askal ba’h) I don’t know, maybe the problem is me, yeah ako! Moreover, I don’t know how I will solved it. sabi ko nga sa sarili ko, if suicidal ako, perhaps may burol na ngayon buti na lang at hindi naman. Mahirap ang buhay na dinadanas ko ngayon. I’m trying to put some meaning to it, para pangpalubag ng loob ko na rin and so far effective naman, but the question is until when? Paanu kung hindi ko na makaya at bigla na lang akong pumutok? You know we people ay may kanya-kanyang limitasyon and I even go beyond it para lang labanan ang problema ko but some people trigger me to stop. Manahimik na lang at matutung maging farmer ng sama ng loob. I don’t know pero masakit isipin na ang taong akala mo ay tutulong eh sila pa ang magpapabagsak sayo. Ngayon di’ ko alam kong sino ang kakampi o kung sino ang kalaban, but it doesn’t matter, I think what matter most is where are you people na pinagkakatiwalaan ko? Galit na ako…

Lord, enlighten those people; I know that you know them!

Thanks

Pusang Gala

Hi…my name is Whil the best pusang gala in the whole world, and this is my story…

Ako ay isang pusang palaboy – laboy at napakababoy (sabi nila). Walang patutunguhan - kaya nga gala eh! Naging gala ako kasi mahirap ang buhay sa bundok, matarik ang daan at napakadilikado pa, kaya na-isip kong gumala sa kapatagan.

Sa paggagala ko sa kapatagan, aking natagpuan ang matatawag na tunay na tahanan. Masasabi kong tunay na tahanan ito dahil dito natutu akong makipamuhay kasama ang mga kasamahan kong pusang gala din kahit minsan di ko alam kong bakit ko sila kasama. Dito rin masaya ako at nakakalimutan ko ang bigat at pasakit ng mundo kahit sobrang dami nila at may natutuklasan ako - ang pagkatuso ng mundo. Higit sa lahat at sa kung anu pa man na natutunan ko dito, ay ang lumaban!.

Tawagin nating CHF ang tahanang aking tinutukoy, CHF stand for Cats, the Home of forsaken. Masaya dito lalaki ka, hindi lang pisikal na ka-anyuan pati na rin yung ibang dimensyon ng buhay ng tao.

Tatlong araw na ako sa loob ng CHF at so far masaya pa din ako, pero masasabi kong sinungaling ako kung sasabihin kong sa lahat ng oras ay naging masaya ako. Syempre, may mga mamalungkot at mahihirap na yugto rin ng buhay ang nararanasan ko sa loob ng aking tahanan o tamang sabihin na aming tahanan.

Natatandaan ko ang aking unang araw sa aming tahanan. Ang unang araw ko eh para ba’ng bagong buhay din, bakit? Kasi lahat ng ginagawa ko ay bago para sa aking. Naninibago ako sa kahit anong gawin ko, pero sinabi ko sa sarili ko pinili ko maggala sa kapatagan, so magtitiyaga dapat ako at ganun na nga ang nangyari.

Lumipas ang unang araw, mabilis at tila nakakabitin. Gusto kong balikan ang mga oras na nasayang at ang mga masasayang pangyayari sa unang araw ko, kaso wala na. Gumagabi na at dumidilim na ang kapaligiran. Kasabay ng pagdilim ang paglabas ng masasamang elemento at pagtangap sa katutuhanan. Naghahating gabi na at nakikilala ko na ang mga pusa sa aking kapaligiran, pero pinilit kong h’wag mabahala at h’wag na lang pansinin, kaso napupuot nang ng galit ang aking puso at baka hindi ko ito mapigilan, at kinalaunan sumabog pa.

Mabuti na lang at dinalaw ako ng kaantokan at mas ma-igi atang itulog na lang ito at sa pag sapit ng ikalawang araw at paglabas ng liwanag ay may lakas akong maibabato sa mga pusang nagpapangap at nagtatago sa dilim.

Sa loob ng ikalawang araw, naging mahinahon ang mga unang oras. Patuloy pa rin ako sa pananaginip na baka sakaling ang mga pangarap ay matupad. Bumibilis ang oras at tangahaling tapat na ng lubos kong maintindihan ang ibig sabihin ng salitang “hirap at tiis”. Naghirap at kasabay nito ang pagtitiis, dahil sa patuloy na panggigipit na ginagawa ng Master namin – ang Leon. Sabi ko sa sarili ko

“kaya ko to’h pusa rin naman sila, yun nga lang malalaki sila at hindi basta-basta! Pero lalaban ako”

At yun nga ang nangyari. May mga araw na gusto ko na lang bumalik sa bundok, pero may malakas na pwersang pumipigil sa aking galing sa masmataas na Panginoon, kaya ako sunod at tiis lang.

Magdidilim na ulit at papatapos na ang araw, nararamdaman kong kasabay ng nagbabang araw ang pagbagsak ng kapangyarihan ni Leon. Nakakatuwa pero na-iisip ko din na parang wala ng challenge kong siya ay baba na. Wala ng manggugulo, wala ng manggigipit, wala ng mangtatakot at wala na rin mapapalakas sa akin. Kay Leon natutunan kong lumaban at maging malakas. Sa araw-araw na pagmulat ng aking mga mata, kasabay nito ang pagmulat sa katutuhanan ng buhay, kaya di’ naglaoon ay naintidihan ko rin s’ya. Pero bakit kailangan n’yang gawin ang mga bagay na pinagawa n’ya sa amin? Sinira n’ya ang kangyang pangalan para maintindihan namin ang kahulugan ng salitang “buhay”. Hay! Ang hirap mag-isip lalo na kung ikaw ay tanga!

Nagdilim na at wala na ang araw, tapos na ang pagsikat ng liwanag sa aking mga mata. Panahon na naman para mag-isip sa kung anung bukas ang naghihintay, para ma-ihanda ang sarili. Panahon na para wakasan ang paghihirap at dapat magalak sa pagtitiis na nagbunga ng magandang pagkatutu.

Ika tatlong araw, masaya, maluwag, gawin mo ang dapat mong gawin o mas tamang sabihin gawin mo ang gusto mong gawin? Sa ika’tlong araw maraming pagbabago ang nangyari, kasama na ang mga tao, bagong master, bagong pusa at bagong laban na naman. Maraming bago kaya ang mga datihan ay para bang, ewan natuwa ba talaga? Siguro mayroon at mangilan-ngilan lang sila, at masasabi kong sila ay tunay na pusa – saludo ako sa kanila, sapagkat ang tunay na pusa ay nasa dugo ang pagkasipsip at pagkaplastik. Keso malambing daw, pero ang totoo eh nagugutom lang pala. Walang hiya ba’! Isa rin sa mga nagbago ang mga dating simpleng bagay ay ngayon naging magarbo at magastos. Ang mga dating pagtratrabaho ay naging pagkwekwentohan na lang. Ang dating laro na baril-barilan ay naging batohan ng Barbie doll na!!! marami pa kaso ayoko ko ng magsalita pa! sawa na ako, chaka baka maytamaan at lalong magulo ang buhay ko!!!

Nasasaktan ako at napipikon tuwing natatamaan ako ng ganitong mga bagay, pero natiis ko nga ang ikalawang araw ko at dito pa ba ako susuko? Ibukas ko na lang ang aking mga mata at magbakasakaling may pag-asa pa! kasabay din ng pagbukas ng aking mga mata ang paghanap sa kahulugan kung bakit ganito na ang dating tahanan kong matatawag.

Ganito man ang buhay sa CHF ayaw ko pa rin itong layasan, alam n’yo kong bakit? Ang lakas ng hatak ni bossing sa itaas eh! Ewan ko ba kung malakas lang talaga siya mangtrip o talagang mayroon s’ya misyon para sa akin…

Easter Egg sa Theater Arts

First I would like to greet everybody a “HAPPY EASTER”.

It’s been part of our culture that during Easter we celebrate it with eggs! Know why? I don’t know either… and I don’t care.

(taglish na nga lang ako… so that I can explain this clearly)

It was preparation for the Easter vigil when I heard the news from Jessa.

“whil!.. nakita mo na ba? (Also the title of our recent play and the final requirement for the Theater Arts class)”

“alin dun?” I asked her without even thinking, because I’m doing something

“The grade”

“Yeah! What about the grade?” now, I answer with care for I got a hint of what happen.

“tingnan mo na lang sa Pastoral Bulletin Board”

So, I move with confidence pa! But after I’ve seen the result! The whole world as if falls down to me…

“Whatta!!!” muntik na akong mapamura “putik naman to’h oh’!”

Yeah! Guess what happened!?... Yuppp! I failed, ayyy no… the more accurate to say is we failed!!! It’s really an advance Easter egg for us student of Theater Arts (ENL 213)! I got 0 ay no, we got 0, as if I didn’t do anything to the subject… hayyyy! And guess what is the consequences for us to regain our grade?... ok! This nothing to do with you, I presuppose! Secret na yun…masyadong madugo!!!

Anyway, the good part of this Easter egg sa Theater Arts ay ang itlog kapag tumagal ay nagkakaroon ng bunga or tamang sabihin nating sisiw! Sisiw man ay may buhay pa din…and like the Easter Season the resurrection of our Lord is the icon of new life. New life in a sense that there is new beginning and hope… yun mga Easter egg ko… ammm! Hintayin ko na lang na magkaroon ng sisiw! Ang taong naghihintay ay pinagpapala, but of course naghihintay with action! Kaso may problema! Sa init ng ulo ko! I boiled my Easter egg, kaya nagbugok ba’h! nagging pinoy na s’ya… hehe panu yan!? Wala ng sisiw!!!...

Mabuhay ang Contra Leo!

11 young men

Class Prophecy
By: Wilhelm L. Orozco

Dalawangput isang taon na ang nakalipas buhat ng magkahiwa-hiwalay ang labing-isang magigiting na mangdirigma. Itago natin sila sa mga pangalan Clemens, Del, Jerome, Aries, Enzo, Chino, Kerwin, Elijah, Joseph, Rondick at Whil.
Maraming taon na ang nakalipas at marami na ang nangyari na hindi mo mawari na malalampasan ng labing-isang mandirigmang ito. Matagal ng panahon ang nakalipas at kanya-kanyang buhay na ang ating mga bida sa kwentong ito.

Ay! Ikinalulungkot ko man sabihin pero kailangan, ammm! (Pause for a while) Ako nga pala ang isa sa mga bida sa kwentong ito. Ako si whil ang isa sa mga tinuturing na low profile ng batch kasi wala akong ibang kayang gawin kundi ang mga ito. Ammmm! Ako lang naman ang Bassist ng batch, football player, basketball pa, at volleyball na din, medyo magaling magswiming, ammm nagdradrawing din, guitarista pa at medyo may-alam magdrums at gwapo sabi ng mama ko, well yan lang naman at kung may gusto pa kayong ilagay sa low profile ko, huwag kayong mahiya o mag-atubiling ilagay sa space na ito. __________________________________ ______________________________ Anyway, ako rin pala ay isang lalaki, so far normal naman ako at nagtratrabaho bilang isang tagapagsilbi sa palasyon ng aking Panginoon.

Nasa malayong lugar ako, sa Papua New Guinea (PNG), kasama ang mga taong nagpapasaya sa araw-araw kung anung buhay ang dapat tahakin.

Ngayon na kilala n’yo na ako ikwekwento ko naman ang naging buhay ng mga kasama ko noon – ang mga magigiting na mandirigma (cheeeh).

(1,2,3, silent in the set…action)

--=@=--

Naglalakad ako sa kalsada ng Papua at take note ang kalsada nila ay tiles na ngayon, ibang-iba na ito gaya ng dati, maraming mga high tech na kagamitan, tulad ng mga lumilipad na sasakyan at sa katunayan -1, 000th world country na sila sa sobrang advance ng mga kagamitan nila at most powerful pa sa lahat ng bansa. Grabeee! ibang-iba sa kwento ni Fr. Noel noong seminarian pa lamang ako.

Lakad ng lakad, lingon ng lingon, lakad ng lakad “hay! nakakapagod” ang tanging wika ko. Napa-upo ako sa isang tabi at feeling ko nasa Rome ako dahil sa ganda ng view. Namahinga ako at pinagmasdan ang mga naggagandahang likha ng Panginoon, kung anu man yun! sekretong malufeeet na yun.

RINGGGGGGG “may tumawag” at agad kong kinuha ang phone ko

“yess!?” sabi ko sa kabilang linya, napatigil ako ng mahigit 1 secondo at pinagpatuloy ang nasa-isip ko sa pamamagitan ng mga katagang “teka, ammm! I know you” kilala ko ang boses niya.

“Aries is that you?” naks!

“Yup” sagot ni Aries, wow hindi ako nagkamali for the first time.

Nagkakumustahan kami sa phone at napag-alaman kong nasa Rome na pala siya. As usual nag-aaral siya at tinatapos niya ang 2nd degree niya hindi sa pag-aaral kundi sa sunog, kasi nasunog daw siya sa isang bahay at di malaman ang kadahilanan, pero at the same time thesis na lang ang kailangan n’ya para sa kanyang 5th Doctoral Degree sa larangan ng Edukasyon Ang dami-dami ng pinag-usapan naming, mga experience noong nasa Canlubang kami at iba pa. Ganado pa naman ako mag kwento ng biglang…

…tinkkkkk!

“naku na lowbat ako sayang! Asar!”

Nalowbat man ako pero masaya pa din ako kasi nakumusta ko ang isa sa mga kaibigan ko at masaya ako sa kanyang narating ngayon.

Sa pagpapahinga ko, bigla kong naisipan na bumili ng maganize. Medyo mahal kaya nagdalawang isip ako. Sa tapat ng tindahan, hinawakan ko ang magazine at nagglance-glance ako. Masama na ang tingin ng nagbibinta nito at ng hindi pa makatiis na-upo na sa tabi ko. Sa pagglance ko ng magazine, pumunta ako sa showbiz section na paborito kong basahin kahit noong seminarian pa lang ako.

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is my batchmate go back then in the Philippines”

Binasa ko ang section at nabigla ako ng malaman kong si joseph ang batchmate ko na taga Cebu ay makikipagdivorce na sa kayang asawang hollywood artist, dahil sa third party? Pero hindi rin ako maniniwala sa nabasa ko dahil showbiz lang naman ito...chika ba. Naghanap pa ako ng naghanap at napunta naman ako sa Sports section ng magazine

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko nanaman

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is my batchmate go back then in the Philippines”

Binasa ko ang section at biglang napasigaw ng malaman kong si Rondick ang kababayan kong mula sa malayong lugar ng bicol the best at naging batchmate namin sa seminaryo sa loob ng anim na araw ay naging MVP ng NBA. Kina-usap ko ang magazine at itinuro sa malaking picture niya.

“I’m proud of you man” sabay napansin kong medyo hindi na masaya ang mukha ng katabi ko kaya tinanong ko siya

“Is there something wrong?”

“Yes!”

“What? Tell me?”

“The magazine”

“What about the magazine?”

Nag-amok ang mokong at kinuha na lamang ang hawak kong magazine at sabay putak… “If you want to read this, buy this!” sabay alis

“Thank you and I’m so sorry” napakaway at ngiti na lang ako

Umalis na ako sa lugar, kung saan ay nakaupo ako ng matagal at nagbasa ng magazine na libre. Umalis ako sa takot na baka bumalik ang nagbibinta ng magazine dahil sa asar nito.

Naglakad-lakad ako at tumingin-tingin muna sa paligid ng tindahan, at bigla kong maisipan na umalis patungo sa aking bahay. Nag-abang ako ng bus at ng may dumating na bus bigla akong sumakay. Manghang-manghang ako sa nakita ko, dahil pati sa dagat ay dumadaan ito. Sabi nga ng katabi kong foreigner “In Papua nothing is impossible”.

Nakauwi na ako sa itunuturing kong bahay. Pag-apak ko sa gate, biglang sumalubong ang mga kabataang naglalaro ng football kasama ang aking partner.

“Pre! Musta?”

“Ok lang tumawag pala sakin si Aries”

“oh! Talaga? Di ma-aari yun!”

“eh! Bakit naman?”

“Pius Exhortation yun”

“Ganun ba? Bahala ka nga sa buhay mo! Siya nga pala kumain kana?”

“tapos na! ikaw kain ka na pre”

Naglakad ako kasama siya at ibinalita ko din ang mga nabasa ko sa magazine tungkol sa ibang kabacthmate namin.

“naks! Achiever na talaga ang mga yun ha?”

“Well! Ganyan talaga ang buhay”

Ay! Nakalimutan ko… at kinalulungkot ko man sabihin, pero kailangan sabihin siya pala si Del partner ko sa Papua as of now. Kasama din pala namin sa Papua si Enzo at ang leader naming na si Clemens, pero nasa ibang bansa sila pareho para dumalo sa General Chapter Meeting.

RINGGGGG

“Pre! Sagutin mo naman yung telepono ohh!” wika ko kay Del

Pagkatapos kausapin ni Del ang taong being sa kabilang linya, sumigaw siya patungo sa direksyon ko “Pre! Si Clemens hanap ka!”

“Ok, paki hintay lang”

After ng limang Segundo

“Oh! Master, kumusta meeting?”

“Ok lang to’l”

“ganun? Si Enzo”

“Ok lang din kasama ang provincial ng Philippines north-west province”

“talaga? Ay matanong nga lang, sino na nga pala ang provincial ngayon ng Philippines north-west province?”

“ahhh, teka lang uhh? magbibilang muna ako ng kamay huh!? Ahhh..ayun! The one and only smile and love, si chino to’l!”

“huhhh!?” nabigla ako at napa-ubo, parang may bumarang kung anu sa aking lalamunan…whatta!

“Oo nga, ikaw para kang ano eh”

“Ok!fine, Regads mo nalang ako kay ngiti! Huh?”

“Ok sige, no problem”

“siya bye na kakain pa ako eh! Ingatz na lang mga pre!”

Matapos ang mahabang paguusap sa phone ipinagpatuloy ko na ang aking kinakain at pinagnilayan ko na si chino naging provincial? Eiwww!, pero of course proud ako sa kanya, kasi bagay naman sa kanya eh!

Matapos akong kumain ay binuksan ko agad ang T.V, nanood ako at inalok si Del na manood din. Palipat-lipat ng channel hanggang makarating sa MTv live.

“pre! Ano na kaya ang top 1 ngayon?”

“ano pa eh! Di pretty woman or my way”

“poink! Pusaaaaaaaaah! ang tagal na nun huhhh!”

Nagpatuloy kami sa panonood at nagulantang ng biglang……..(tadadadannnnnnn) Nagpupunas-punas ng mata at napatanong...

“pre nakikita mo ba ang nakikita ko?”

“Oo! Pre hindi ka nanaginip”

“si Eli..eli…Elijah yan diba” nanginginig na golden voice ko

Akalain mong si Elijah ang pinakamagaling na musikiro ng batch ay parecord record na la-ang ngayon, samantalang noon ni pang bili ng string wala!hehe buhay nga naman! Pero bilib ako! Saludo ako…idol kahit noon pang mga seminarian pa lang kami. Di’ nga lang halata!hehe

Nagpatuloy kami sa panonood ng bagong music album ni Elijah at ng kanyang banda. Ang ganda ng kanilang video, featuring Paris Hilton at 3 months na silang top 1.

“wow! Achiever na din yun huh” ang tanging reaction ko pagkatapos ng palabas.

Pagkatapos na pagkatapos ng palabas ay nilipat ni del sa TFC channel. Ang TFC ay ang tanging tulay namin dito sa Papua para makita ang palabas ng mga pinoy. Tawang-tawa kami sa bagong palabas ng kafamily ang “bomtarat, game ka na ba?”. Palabas ito tuwing tanghali.

Nakakaaliw ang palabas at nakakatuwa, tiyak na mawawala ang problema mo pero minsan, eh medyo may drama scene din.

“Welcome to bomtarat, game ka na ba? May bagong laro po tayo ngayon mga kafamily ang - will of fortune” sabi ng host sa T.V sabay pasok na ang mga contestant at pumapalakpak pa ang mga ito habang tumatakbo. Mga lalaki sila at mga volunteer ng mga organization.

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko nanaman

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is our batchmate go back then in the Philippines”

“si kerwin ba yan?”

“sino pa ba! Siya lang naman ang gwap’s jan eh!”

“oo nga noh?”

Nagpatuloy ang panonood namin at napagalaman namin na volunteer pala siya sa isang Salesian Organization at may planong pumunta sa Papua. Nagpatuloy ang show at nakakatuwa man isipin nanalo si Kerwin at may pamasahe na siya para pumunta ng Papua.

“astig talaga yan si Kerwin noh” sabi ko

“Oo nga eh! Sana matuloy siya dito”

“oo para at least mabuo ang batch natin once in a blue moon”

“mabuo ba kamo?”

“oo! Bakit ayaw mo”

“hindi may naisip ako”

“ano yon?” nag-iisip ka pala self-delusion ko

“what if magreunion tayo dito sa Papua”

“oo nga noh, nice idea!” Pagsasangayon ko

Nagisip-isip ako sandali at naisip ko na oo nga tama si del kailangan na naming magkita-kita dahil mahaba-haba na rin ang panahon buhat ng magkita-kita kami kaso may isa kaming ka batch na wala na kaming balita, tama si Jerome! Asan na kaya siya.

RINGGGGGGGGG! RINGGGGGGGG

“yessss?” tanong ko sa kausap

“Si Aries toh Whil”

“ahh yeah! May tanong ako sayo pre!”

“ano yun? Problema sa pera ba yan?”

“toink! Hindi huh! About kay Jerome, may balita ka ba sa kanya?”

“ahhh! Ammm! I’m not sure, but alam ko basurero na siya ngayon”

“talaga?” pagtatakang tanong ko, sa loob-loob ko yung taong yun magiging basurero!? Whatta… buti na lang at sinabi n’ya na…

“Joke lang nasa Philippines siya ngayon Formator ng Seminary” tumatawa-tawang sagot ni Aries

“Wow! Akalain mo!” napatawa na rin lang ako

Tumahimik muna ang usapan na para bang may dumaang anghel, ngunit nabasag ito ng mabasag ni Del ang pingan kong kinakainan.

“wooooooopsss! Pakalatkalat eh!” sinisi niya ako

“abahhh! Ikaw kaya ang maykasalanan” pangangatwiram ko nmn

Sumabat ang tao sa kabilang linya “Whil? Still there”

“ay sorry Aries huh?”

“ok”

“ay! May plano pala kami na magkaroon ng reniunion ang batch natin ok lang ba?”

“kalian yan”

“bukas na maggagabi na eh! Joke kalian ka pwede?”

“next month ok lang?”

“sure ikontak mo nalang ang iba nating ka batch ha?”

--=@=--

Makalipas ang isang buwan ng paghahanda at umuwi na rin sina Clemens at Enzo sa Papua. Nagging busy ang bawat isa sa amin, ibat-ibang mga gawain para sa darating na muling pagkikita at muling pagtutuos. Ginawang over-all chairman si Enzo sapagkat bihasa na siya pagiging leader dahil sa naging class president siya ng frat simula 3rd year college hanggang perpetual proffesion. Si Clemens naman ang ginawang contact person dahil mayaman siya sa load at siya rin ang leader sa bahay namin.

Dumating na ang takdang araw at handa na ang lahat. Handa na ang banda ni del para salubongin ng magandang musika ang mga kasapi sa batch, parang fiesta ag dating ng drum and lyre n’ya. Super ganda at handa na rin ang design ko, tangin ito lamang ang papel ko sa salo-salong ito, at higit sa lahat isusubo na lang ang pagkain na handa ni Enzo. Naunang dumating si Aries dala ang malaking malita at mga kakaibang pagkain pangdag-dag sa handa pangalawa si chino na maykasama pang mga batang salesiano, at wala siyang dalang pagkain, at isang malaking ngiti lang ang tanging pangpalobag ng loob namin, ang kanyang dinala. Limang oras ang nakalipas dumating na si Jerome mag-isa lang siyang nagbyahe, wala siyang dala kundi ang limpak-limpak na pera dahil bibili daw siya ng mga high tech na gamit dito sa Papua. Kasunod ni Jerome at limang apak lang ang pagitan ay si kerwin, hindi man sila nagkasabay sa sasakyan pero magkasabay naman silang pumasok sa harap ng pinto ng bahay namin.

Ang mga sikat naming katropa ay mukhang hindi makakarating kaya na-isipan namin na ma-unang kumain. Nagimbal ng malakas na hangin ang aming kasarapan sa pagkain, bagay na kinainis ni Del.

“putik naman oh! Hindi pwede yun” wika niya

“(ngiti)” obvious ba? eh! Di’ si chino

“ok lang yan pre, sige magpatuloy na tayo sa kinakain natin” sabi ni Enzo

Nagpatuloy kami sa pagkain at biglang natigilan ulit ng maykumatok sa pinto

“pre buksan mo” utos ni bosing Clemens

“ok” naglakad ako at binuksan ang pinto

“woppppssss” nabiglang reaksyon ko

“kumusta mga pre” sabi ni mr. MVP kasama ang dalawa

“ok lang, tuloy kayo (5x)” sabi ko dala ng pagkabigla

Tumoloy ang tatlo at pagpasok na pagpasok nila sa refectory nagpalakpakan ang mga membro ng frat.

Kumaing masaya ang lahat, nagkalokohan, at tila binabalik ang mga ala-ala noong nasa Seminaryo pa lang at nagpapakamatay para matupad ang kani-kanilang pangarap. Natapos ang pinakamasayang araw sa bawat membro ng frat at oras na para magsibalikan sa kanikanilang tungkulin, magpapasalamat ang bawat isa ng biglang.

“whil! Gising na” sabi ng katabi ko

“ay! Nanaginip nanaman ako anong oras na?” tanong ko

“11:24 na tanghali na wala pa tayong kakainin”

“Sorry pagod lang” ang tanging sagot ko

“anong pagod? Magtrabaho ka nga…ala bangon d’yan”

Napakamot na lamang ako sa ulo!whatta…life is parang buhay lang…hehehe

Write Your Own "Gospel"

Write your own "Gospel" and experience God's love for us

Steps/Instructions:

1 STORY TELLING
Find time to listen to stories from your elders about your family and yourself. Ask and you will know. Overcome the fear of asking. They are just waiting for you to ask before they pour out so much data they know and that they want to share with you. You can interview them personally, by phone, or just by writing (email or letters).
(Remember to keep all your original notes, even the scraps of paper that you use for recording these stories.)

2 WRITING THE STORY: Write down the accounts, and include the following topics

Genealogy (your family tree)
Life Story of your grandparents, your parents, yourself (birth, childhood, school age, significant events, present situation, etc).
(Note well: do not throw away your first drafts and notes. These will be part of the compilation later.)

3 REMEMBERING the PARTICULAR LANDMARKS of your life, WRITE the

Significant events of your life: what were most memorable?
What were your most joyful, sorrowful, glorious events? Narrate them as reliving them or as in telling a story.
Include here your Love life, your vocation story, or traumatic experiences, frustrations, consolations, etc. You do not have to come up with a perfect paper, just start writing without worrying about your grammar or spelling. Just write. You may edit later. Do not throw away your first drafts, or the corrected versions.

4 FINDING MEANING in your STORY.

Once you have written your story, stop. After a few days, pick it up and read it in prayerful way and ask the following questions.
Where is God in the various events of my story?
How did He show (reveal) Himself to me? What was it like? What did it make me feel? How did this affect me? What did He inspire me to do/be?
What is His message for me?

5 Gather all the material in one folder for submission. The compilation should include

Notes and first drafts, including corrected materials.
Final hard copy of the stories.
You may paste pictures and diagrams if you wish.
Leave some blank pages at the end of this compilation for further remarks and reflection.
Find an appropriate cover. Decorate it if you desire. It is your own Gospel.

...be creative!

Older Posts