Agosto 25, 2007 ng magkaroon ng make-up class ang mga estudyante ni G. Rodel dela Torre. May dapat na nakaplanong gagawin sa araw na ito, subalit sa kasamaan palad, hindi ito natuloy sa kung anu man kadahilanan. naging madali ang ginawang plano ni Sir, tinalakay nalang namin ang lesson na isasama sa papalapit na mid-term exam at nagkaroon ng biglaan talumpati.
nahanap kami ng magandang topic at pinag-isip lamang ng mahigit 10 minuto kasabay ng break. mahirap makahanap ng topic dahil halos lahat ng topic ay akma sa mga tagapakinig at magaganda. napili ko ang topic na EDUKASYON: pribelehiyo or karapatan. medyo bulol pa ako sa pagbigkas ng salitang "pribelehiyo". nagsimula ang talumpati at sa kasamaan palad ika lima ako sa magtatalumpati. Sa paghihintay ko para sa aking pagtalumpati wala akong maisip na ilalahad, ngunit ng tumayo ako sa harapan ng aking mga kamag-aral biglang lumiwanag ang lahat at gumana ang natutulog kong utak.
Edukasyon: prebelehiyo o karapatan
Hayaan n'yo akong simulan ang talumpating ito sa isang maikling kwento. may dalawang matalik na magkaibigan, si Paul at si Mark. Si Paul ay angat ang buhay at kabaliktaran naman ito ng buhay ni Mark. sabay silang lumaki sa baryo at nagtapos ng elementarya. sa pagtatapos nila ng elementarya naisipan ni Mark na tumigil na laman sa kanyang pag-aaral at magtrabaho na lamang, sapagkat wala na silang perang pangtustus sa kanyang pag-aaral. Si Paul naman ay pinagpatuloy ang pag-aaral hangan sa makapagtapos ito at pumunta ng ibang bansa para doon gawin ang kanyang pagsasanay. si Paul na nakapag-aral ay umangat lalo ang buhay at si Mark ay nanatiling mahirap.
Edukasyon: prebelehiyo o karapatan
Para sa akin naniniwala akong ang edukasyon ay para sa lahat, ngunit sa katunayan ang edukasyon ngayon ay para sa may pangtustus na lamang, bagay na nagiging prebelehiyo na lamang ito. sa kwento inilahad kong ano ang nangyari sa buhay ng dalawang taohan at nakita na ang edukasyon ay naging isang mabuting paraan para mawala ang kahirapan ng isang tao. si mark na hindi nagtapos ng kanyang pag-aaral ay nanatiling mahirap at si paul na maykakayahan naging ma-unlad ang buhay.
Nakalahad sa konstitusyon ng Pilipinas na ang edukasyon ay ang dapat magkaroon ng pinakamalaking budget, pero ang realidad ay ang militar ang mas pinagtutugunan ng pansin, kaya nga ang libreng mga pa-aral sa mahihirap ay nawawala at ang kanilang buhay ay hindi umaangat. hindi sila makapag-aral dahil kapos sa pera, di' tulad ng may mga kaya. kaya, sa puntong ito ang edukasyon ay isa na lamang prebelihiyo.
3 comments:
good job!!!
and this things by http://www.ghd3.co.uk/ buy best it you your http://www.toms2013outlet.net/ hectic the of christian louboutin because find bring effort to toms shoes coupon if type in, out ghd straighteners imagine the
A few Factors To consider For Giving An effective Presentation
my web-site ... BenQ EP5920
Post a Comment