Wednesday, March 26, 2008

Easter Egg sa Theater Arts

First I would like to greet everybody a “HAPPY EASTER”.

It’s been part of our culture that during Easter we celebrate it with eggs! Know why? I don’t know either… and I don’t care.

(taglish na nga lang ako… so that I can explain this clearly)

It was preparation for the Easter vigil when I heard the news from Jessa.

“whil!.. nakita mo na ba? (Also the title of our recent play and the final requirement for the Theater Arts class)”

“alin dun?” I asked her without even thinking, because I’m doing something

“The grade”

“Yeah! What about the grade?” now, I answer with care for I got a hint of what happen.

“tingnan mo na lang sa Pastoral Bulletin Board”

So, I move with confidence pa! But after I’ve seen the result! The whole world as if falls down to me…

“Whatta!!!” muntik na akong mapamura “putik naman to’h oh’!”

Yeah! Guess what happened!?... Yuppp! I failed, ayyy no… the more accurate to say is we failed!!! It’s really an advance Easter egg for us student of Theater Arts (ENL 213)! I got 0 ay no, we got 0, as if I didn’t do anything to the subject… hayyyy! And guess what is the consequences for us to regain our grade?... ok! This nothing to do with you, I presuppose! Secret na yun…masyadong madugo!!!

Anyway, the good part of this Easter egg sa Theater Arts ay ang itlog kapag tumagal ay nagkakaroon ng bunga or tamang sabihin nating sisiw! Sisiw man ay may buhay pa din…and like the Easter Season the resurrection of our Lord is the icon of new life. New life in a sense that there is new beginning and hope… yun mga Easter egg ko… ammm! Hintayin ko na lang na magkaroon ng sisiw! Ang taong naghihintay ay pinagpapala, but of course naghihintay with action! Kaso may problema! Sa init ng ulo ko! I boiled my Easter egg, kaya nagbugok ba’h! nagging pinoy na s’ya… hehe panu yan!? Wala ng sisiw!!!...

Mabuhay ang Contra Leo!

Monday, March 24, 2008

11 young men

Class Prophecy
By: Wilhelm L. Orozco

Dalawangput isang taon na ang nakalipas buhat ng magkahiwa-hiwalay ang labing-isang magigiting na mangdirigma. Itago natin sila sa mga pangalan Clemens, Del, Jerome, Aries, Enzo, Chino, Kerwin, Elijah, Joseph, Rondick at Whil.
Maraming taon na ang nakalipas at marami na ang nangyari na hindi mo mawari na malalampasan ng labing-isang mandirigmang ito. Matagal ng panahon ang nakalipas at kanya-kanyang buhay na ang ating mga bida sa kwentong ito.

Ay! Ikinalulungkot ko man sabihin pero kailangan, ammm! (Pause for a while) Ako nga pala ang isa sa mga bida sa kwentong ito. Ako si whil ang isa sa mga tinuturing na low profile ng batch kasi wala akong ibang kayang gawin kundi ang mga ito. Ammmm! Ako lang naman ang Bassist ng batch, football player, basketball pa, at volleyball na din, medyo magaling magswiming, ammm nagdradrawing din, guitarista pa at medyo may-alam magdrums at gwapo sabi ng mama ko, well yan lang naman at kung may gusto pa kayong ilagay sa low profile ko, huwag kayong mahiya o mag-atubiling ilagay sa space na ito. __________________________________ ______________________________ Anyway, ako rin pala ay isang lalaki, so far normal naman ako at nagtratrabaho bilang isang tagapagsilbi sa palasyon ng aking Panginoon.

Nasa malayong lugar ako, sa Papua New Guinea (PNG), kasama ang mga taong nagpapasaya sa araw-araw kung anung buhay ang dapat tahakin.

Ngayon na kilala n’yo na ako ikwekwento ko naman ang naging buhay ng mga kasama ko noon – ang mga magigiting na mandirigma (cheeeh).

(1,2,3, silent in the set…action)

--=@=--

Naglalakad ako sa kalsada ng Papua at take note ang kalsada nila ay tiles na ngayon, ibang-iba na ito gaya ng dati, maraming mga high tech na kagamitan, tulad ng mga lumilipad na sasakyan at sa katunayan -1, 000th world country na sila sa sobrang advance ng mga kagamitan nila at most powerful pa sa lahat ng bansa. Grabeee! ibang-iba sa kwento ni Fr. Noel noong seminarian pa lamang ako.

Lakad ng lakad, lingon ng lingon, lakad ng lakad “hay! nakakapagod” ang tanging wika ko. Napa-upo ako sa isang tabi at feeling ko nasa Rome ako dahil sa ganda ng view. Namahinga ako at pinagmasdan ang mga naggagandahang likha ng Panginoon, kung anu man yun! sekretong malufeeet na yun.

RINGGGGGGG “may tumawag” at agad kong kinuha ang phone ko

“yess!?” sabi ko sa kabilang linya, napatigil ako ng mahigit 1 secondo at pinagpatuloy ang nasa-isip ko sa pamamagitan ng mga katagang “teka, ammm! I know you” kilala ko ang boses niya.

“Aries is that you?” naks!

“Yup” sagot ni Aries, wow hindi ako nagkamali for the first time.

Nagkakumustahan kami sa phone at napag-alaman kong nasa Rome na pala siya. As usual nag-aaral siya at tinatapos niya ang 2nd degree niya hindi sa pag-aaral kundi sa sunog, kasi nasunog daw siya sa isang bahay at di malaman ang kadahilanan, pero at the same time thesis na lang ang kailangan n’ya para sa kanyang 5th Doctoral Degree sa larangan ng Edukasyon Ang dami-dami ng pinag-usapan naming, mga experience noong nasa Canlubang kami at iba pa. Ganado pa naman ako mag kwento ng biglang…

…tinkkkkk!

“naku na lowbat ako sayang! Asar!”

Nalowbat man ako pero masaya pa din ako kasi nakumusta ko ang isa sa mga kaibigan ko at masaya ako sa kanyang narating ngayon.

Sa pagpapahinga ko, bigla kong naisipan na bumili ng maganize. Medyo mahal kaya nagdalawang isip ako. Sa tapat ng tindahan, hinawakan ko ang magazine at nagglance-glance ako. Masama na ang tingin ng nagbibinta nito at ng hindi pa makatiis na-upo na sa tabi ko. Sa pagglance ko ng magazine, pumunta ako sa showbiz section na paborito kong basahin kahit noong seminarian pa lang ako.

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is my batchmate go back then in the Philippines”

Binasa ko ang section at nabigla ako ng malaman kong si joseph ang batchmate ko na taga Cebu ay makikipagdivorce na sa kayang asawang hollywood artist, dahil sa third party? Pero hindi rin ako maniniwala sa nabasa ko dahil showbiz lang naman ito...chika ba. Naghanap pa ako ng naghanap at napunta naman ako sa Sports section ng magazine

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko nanaman

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is my batchmate go back then in the Philippines”

Binasa ko ang section at biglang napasigaw ng malaman kong si Rondick ang kababayan kong mula sa malayong lugar ng bicol the best at naging batchmate namin sa seminaryo sa loob ng anim na araw ay naging MVP ng NBA. Kina-usap ko ang magazine at itinuro sa malaking picture niya.

“I’m proud of you man” sabay napansin kong medyo hindi na masaya ang mukha ng katabi ko kaya tinanong ko siya

“Is there something wrong?”

“Yes!”

“What? Tell me?”

“The magazine”

“What about the magazine?”

Nag-amok ang mokong at kinuha na lamang ang hawak kong magazine at sabay putak… “If you want to read this, buy this!” sabay alis

“Thank you and I’m so sorry” napakaway at ngiti na lang ako

Umalis na ako sa lugar, kung saan ay nakaupo ako ng matagal at nagbasa ng magazine na libre. Umalis ako sa takot na baka bumalik ang nagbibinta ng magazine dahil sa asar nito.

Naglakad-lakad ako at tumingin-tingin muna sa paligid ng tindahan, at bigla kong maisipan na umalis patungo sa aking bahay. Nag-abang ako ng bus at ng may dumating na bus bigla akong sumakay. Manghang-manghang ako sa nakita ko, dahil pati sa dagat ay dumadaan ito. Sabi nga ng katabi kong foreigner “In Papua nothing is impossible”.

Nakauwi na ako sa itunuturing kong bahay. Pag-apak ko sa gate, biglang sumalubong ang mga kabataang naglalaro ng football kasama ang aking partner.

“Pre! Musta?”

“Ok lang tumawag pala sakin si Aries”

“oh! Talaga? Di ma-aari yun!”

“eh! Bakit naman?”

“Pius Exhortation yun”

“Ganun ba? Bahala ka nga sa buhay mo! Siya nga pala kumain kana?”

“tapos na! ikaw kain ka na pre”

Naglakad ako kasama siya at ibinalita ko din ang mga nabasa ko sa magazine tungkol sa ibang kabacthmate namin.

“naks! Achiever na talaga ang mga yun ha?”

“Well! Ganyan talaga ang buhay”

Ay! Nakalimutan ko… at kinalulungkot ko man sabihin, pero kailangan sabihin siya pala si Del partner ko sa Papua as of now. Kasama din pala namin sa Papua si Enzo at ang leader naming na si Clemens, pero nasa ibang bansa sila pareho para dumalo sa General Chapter Meeting.

RINGGGGG

“Pre! Sagutin mo naman yung telepono ohh!” wika ko kay Del

Pagkatapos kausapin ni Del ang taong being sa kabilang linya, sumigaw siya patungo sa direksyon ko “Pre! Si Clemens hanap ka!”

“Ok, paki hintay lang”

After ng limang Segundo

“Oh! Master, kumusta meeting?”

“Ok lang to’l”

“ganun? Si Enzo”

“Ok lang din kasama ang provincial ng Philippines north-west province”

“talaga? Ay matanong nga lang, sino na nga pala ang provincial ngayon ng Philippines north-west province?”

“ahhh, teka lang uhh? magbibilang muna ako ng kamay huh!? Ahhh..ayun! The one and only smile and love, si chino to’l!”

“huhhh!?” nabigla ako at napa-ubo, parang may bumarang kung anu sa aking lalamunan…whatta!

“Oo nga, ikaw para kang ano eh”

“Ok!fine, Regads mo nalang ako kay ngiti! Huh?”

“Ok sige, no problem”

“siya bye na kakain pa ako eh! Ingatz na lang mga pre!”

Matapos ang mahabang paguusap sa phone ipinagpatuloy ko na ang aking kinakain at pinagnilayan ko na si chino naging provincial? Eiwww!, pero of course proud ako sa kanya, kasi bagay naman sa kanya eh!

Matapos akong kumain ay binuksan ko agad ang T.V, nanood ako at inalok si Del na manood din. Palipat-lipat ng channel hanggang makarating sa MTv live.

“pre! Ano na kaya ang top 1 ngayon?”

“ano pa eh! Di pretty woman or my way”

“poink! Pusaaaaaaaaah! ang tagal na nun huhhh!”

Nagpatuloy kami sa panonood at nagulantang ng biglang……..(tadadadannnnnnn) Nagpupunas-punas ng mata at napatanong...

“pre nakikita mo ba ang nakikita ko?”

“Oo! Pre hindi ka nanaginip”

“si Eli..eli…Elijah yan diba” nanginginig na golden voice ko

Akalain mong si Elijah ang pinakamagaling na musikiro ng batch ay parecord record na la-ang ngayon, samantalang noon ni pang bili ng string wala!hehe buhay nga naman! Pero bilib ako! Saludo ako…idol kahit noon pang mga seminarian pa lang kami. Di’ nga lang halata!hehe

Nagpatuloy kami sa panonood ng bagong music album ni Elijah at ng kanyang banda. Ang ganda ng kanilang video, featuring Paris Hilton at 3 months na silang top 1.

“wow! Achiever na din yun huh” ang tanging reaction ko pagkatapos ng palabas.

Pagkatapos na pagkatapos ng palabas ay nilipat ni del sa TFC channel. Ang TFC ay ang tanging tulay namin dito sa Papua para makita ang palabas ng mga pinoy. Tawang-tawa kami sa bagong palabas ng kafamily ang “bomtarat, game ka na ba?”. Palabas ito tuwing tanghali.

Nakakaaliw ang palabas at nakakatuwa, tiyak na mawawala ang problema mo pero minsan, eh medyo may drama scene din.

“Welcome to bomtarat, game ka na ba? May bagong laro po tayo ngayon mga kafamily ang - will of fortune” sabi ng host sa T.V sabay pasok na ang mga contestant at pumapalakpak pa ang mga ito habang tumatakbo. Mga lalaki sila at mga volunteer ng mga organization.

“Wow! I know this person” nabiglang reaction ko nanaman

“Really?” singit na boses mula sa katabi ko

“Yes! Because he is our batchmate go back then in the Philippines”

“si kerwin ba yan?”

“sino pa ba! Siya lang naman ang gwap’s jan eh!”

“oo nga noh?”

Nagpatuloy ang panonood namin at napagalaman namin na volunteer pala siya sa isang Salesian Organization at may planong pumunta sa Papua. Nagpatuloy ang show at nakakatuwa man isipin nanalo si Kerwin at may pamasahe na siya para pumunta ng Papua.

“astig talaga yan si Kerwin noh” sabi ko

“Oo nga eh! Sana matuloy siya dito”

“oo para at least mabuo ang batch natin once in a blue moon”

“mabuo ba kamo?”

“oo! Bakit ayaw mo”

“hindi may naisip ako”

“ano yon?” nag-iisip ka pala self-delusion ko

“what if magreunion tayo dito sa Papua”

“oo nga noh, nice idea!” Pagsasangayon ko

Nagisip-isip ako sandali at naisip ko na oo nga tama si del kailangan na naming magkita-kita dahil mahaba-haba na rin ang panahon buhat ng magkita-kita kami kaso may isa kaming ka batch na wala na kaming balita, tama si Jerome! Asan na kaya siya.

RINGGGGGGGGG! RINGGGGGGGG

“yessss?” tanong ko sa kausap

“Si Aries toh Whil”

“ahh yeah! May tanong ako sayo pre!”

“ano yun? Problema sa pera ba yan?”

“toink! Hindi huh! About kay Jerome, may balita ka ba sa kanya?”

“ahhh! Ammm! I’m not sure, but alam ko basurero na siya ngayon”

“talaga?” pagtatakang tanong ko, sa loob-loob ko yung taong yun magiging basurero!? Whatta… buti na lang at sinabi n’ya na…

“Joke lang nasa Philippines siya ngayon Formator ng Seminary” tumatawa-tawang sagot ni Aries

“Wow! Akalain mo!” napatawa na rin lang ako

Tumahimik muna ang usapan na para bang may dumaang anghel, ngunit nabasag ito ng mabasag ni Del ang pingan kong kinakainan.

“wooooooopsss! Pakalatkalat eh!” sinisi niya ako

“abahhh! Ikaw kaya ang maykasalanan” pangangatwiram ko nmn

Sumabat ang tao sa kabilang linya “Whil? Still there”

“ay sorry Aries huh?”

“ok”

“ay! May plano pala kami na magkaroon ng reniunion ang batch natin ok lang ba?”

“kalian yan”

“bukas na maggagabi na eh! Joke kalian ka pwede?”

“next month ok lang?”

“sure ikontak mo nalang ang iba nating ka batch ha?”

--=@=--

Makalipas ang isang buwan ng paghahanda at umuwi na rin sina Clemens at Enzo sa Papua. Nagging busy ang bawat isa sa amin, ibat-ibang mga gawain para sa darating na muling pagkikita at muling pagtutuos. Ginawang over-all chairman si Enzo sapagkat bihasa na siya pagiging leader dahil sa naging class president siya ng frat simula 3rd year college hanggang perpetual proffesion. Si Clemens naman ang ginawang contact person dahil mayaman siya sa load at siya rin ang leader sa bahay namin.

Dumating na ang takdang araw at handa na ang lahat. Handa na ang banda ni del para salubongin ng magandang musika ang mga kasapi sa batch, parang fiesta ag dating ng drum and lyre n’ya. Super ganda at handa na rin ang design ko, tangin ito lamang ang papel ko sa salo-salong ito, at higit sa lahat isusubo na lang ang pagkain na handa ni Enzo. Naunang dumating si Aries dala ang malaking malita at mga kakaibang pagkain pangdag-dag sa handa pangalawa si chino na maykasama pang mga batang salesiano, at wala siyang dalang pagkain, at isang malaking ngiti lang ang tanging pangpalobag ng loob namin, ang kanyang dinala. Limang oras ang nakalipas dumating na si Jerome mag-isa lang siyang nagbyahe, wala siyang dala kundi ang limpak-limpak na pera dahil bibili daw siya ng mga high tech na gamit dito sa Papua. Kasunod ni Jerome at limang apak lang ang pagitan ay si kerwin, hindi man sila nagkasabay sa sasakyan pero magkasabay naman silang pumasok sa harap ng pinto ng bahay namin.

Ang mga sikat naming katropa ay mukhang hindi makakarating kaya na-isipan namin na ma-unang kumain. Nagimbal ng malakas na hangin ang aming kasarapan sa pagkain, bagay na kinainis ni Del.

“putik naman oh! Hindi pwede yun” wika niya

“(ngiti)” obvious ba? eh! Di’ si chino

“ok lang yan pre, sige magpatuloy na tayo sa kinakain natin” sabi ni Enzo

Nagpatuloy kami sa pagkain at biglang natigilan ulit ng maykumatok sa pinto

“pre buksan mo” utos ni bosing Clemens

“ok” naglakad ako at binuksan ang pinto

“woppppssss” nabiglang reaksyon ko

“kumusta mga pre” sabi ni mr. MVP kasama ang dalawa

“ok lang, tuloy kayo (5x)” sabi ko dala ng pagkabigla

Tumoloy ang tatlo at pagpasok na pagpasok nila sa refectory nagpalakpakan ang mga membro ng frat.

Kumaing masaya ang lahat, nagkalokohan, at tila binabalik ang mga ala-ala noong nasa Seminaryo pa lang at nagpapakamatay para matupad ang kani-kanilang pangarap. Natapos ang pinakamasayang araw sa bawat membro ng frat at oras na para magsibalikan sa kanikanilang tungkulin, magpapasalamat ang bawat isa ng biglang.

“whil! Gising na” sabi ng katabi ko

“ay! Nanaginip nanaman ako anong oras na?” tanong ko

“11:24 na tanghali na wala pa tayong kakainin”

“Sorry pagod lang” ang tanging sagot ko

“anong pagod? Magtrabaho ka nga…ala bangon d’yan”

Napakamot na lamang ako sa ulo!whatta…life is parang buhay lang…hehehe

Saturday, March 15, 2008

Write Your Own "Gospel"

Write your own "Gospel" and experience God's love for us

Steps/Instructions:

1 STORY TELLING
Find time to listen to stories from your elders about your family and yourself. Ask and you will know. Overcome the fear of asking. They are just waiting for you to ask before they pour out so much data they know and that they want to share with you. You can interview them personally, by phone, or just by writing (email or letters).
(Remember to keep all your original notes, even the scraps of paper that you use for recording these stories.)

2 WRITING THE STORY: Write down the accounts, and include the following topics

Genealogy (your family tree)
Life Story of your grandparents, your parents, yourself (birth, childhood, school age, significant events, present situation, etc).
(Note well: do not throw away your first drafts and notes. These will be part of the compilation later.)

3 REMEMBERING the PARTICULAR LANDMARKS of your life, WRITE the

Significant events of your life: what were most memorable?
What were your most joyful, sorrowful, glorious events? Narrate them as reliving them or as in telling a story.
Include here your Love life, your vocation story, or traumatic experiences, frustrations, consolations, etc. You do not have to come up with a perfect paper, just start writing without worrying about your grammar or spelling. Just write. You may edit later. Do not throw away your first drafts, or the corrected versions.

4 FINDING MEANING in your STORY.

Once you have written your story, stop. After a few days, pick it up and read it in prayerful way and ask the following questions.
Where is God in the various events of my story?
How did He show (reveal) Himself to me? What was it like? What did it make me feel? How did this affect me? What did He inspire me to do/be?
What is His message for me?

5 Gather all the material in one folder for submission. The compilation should include

Notes and first drafts, including corrected materials.
Final hard copy of the stories.
You may paste pictures and diagrams if you wish.
Leave some blank pages at the end of this compilation for further remarks and reflection.
Find an appropriate cover. Decorate it if you desire. It is your own Gospel.

...be creative!

PART 2

Amielyn A. Oruga


To: Bro. Wilhelm,

Sana po ay lagi kayong masaya. Salamat po dahil kahit na magulo at makukulit kami ay pinagpapasensyahan n’yo na lang po kami. Pero kahit po ganun kami, mahal naman po namin kayo bilang brother namin. Parang kuya na po ang turing namin sayo. Maraming salamat po sa lahat. Take care always” J --- hmmp... mga batang kapatid na rin naman ang turing ko sainyo...kaya nga lakas ko magdemand sa subject ko!halata n’yo ba!?hehe joke

Lynemar B. Tupas

Positive – sobrang bait po, laging nagpapasensya --- sorry kung sobrang bait ko huh!? (pahumble effect)
Negative – mahiyain
“pasensya na po sa mga kaklase kong maiingay at masayahin. Salamat po, marami kaming natutunan sainyo. Salamat po sa pagtuturo n’yo ng magagandang-asal – thank you po” --- summary “salamat, in Englisg thank you”
… pahabol message at the back of the paper
“I LOVE YOU BROTHER”



Catherine G. Dela Cruz

Positive – kahit walang prepare lesson nag-iisip pa rin siya ng maituturo --- wala naman laglagan plsss, masipag, mabait at nagawa ng abot sa kanyang makakaya --- taga laguna nga’”nagawa”
Negative – mahiyain at parang wala na akong maisip eh! --- negative n’ya, di’ nag-iisip..hehehe
sana mapagbuti mo pa ang iyong pag-aaral at tsaka magkaroon ng GF, tumingin ka lang sa paligid meron kang ma’am na maganda!joke keep up the good work…d2 lng me” ---asar talaga to’ng mga to’ – iisue ba?…bulag ako di’ makatingin sa paligid!hehe
Pahabol message at the back
“nan d2 lng c ma’am!joke”--- grrrrh!pasalamat kayo at last day n’yo na ako pinagtripan…

Erik B. Bautista

Positive – ang masasabi ko lang po sa inyo ay masyado po kayong mabait sa amin kahit na napaka-ingay namin hindi pa rin kayo galit --- ayoko magalit, kawawa kayo eh!hehe
Negative – masyado po kayong mahiyain, siguro po ay hindi pa po kayo sanay na magturo at hindi ka strikto.
Advise: “huwag po kayong masyadong mahiya kailangan pong aralin ang pagiging strikto para makinig ang inyong tinuturuan. Salamat po!” --- salamat sa advise I will tresure it!

Erwin S. Valenzuela

“Sana po hindi kayo magbago sa lubos na pagiintindi sa kahit na maingay kami sa classroom. Wish ko po na makatapos ka ng pag-aaral mo! Gusto ko sana brother na baguhin ninyo ang pagiging walang kibo sa mga maiingay sa classroom. Mayroon kayong karapatang magalit sa amin kasi po pangalawa ama na kayo sa amin dahil kayo po ay nagtuturo ng mga dapat gawin” --- ahhh dati kuya lang tapos ngayon AMA na…ano kaya sunod?...lolo na kaya!?

Jinefer P. Ybanez

Positive – ang positive po sainyo brother ay mabait at napakagalang n’yo po kahit masyadong po kaming maingay, nagpapakumbaba lang po kayo lagi. Tahimik at palabiro din po kayo…at pinagbibigyan n’yo rin po kami sa lahat --- wow humble daw ako!naksss
Negative – ang negative lang po sa inyo ay yung tawa nyo kasi nakakatawa kapag tumatawa kayo, para kang sinisinok nakakarawa talaga brother, joke! --- ok!...fine, iiyak na lang ako kapag ako ulit ang brother n’yo next school year.


Lito B. Villagracia

Positive – h’wag ka sanang magbago --- sure ka positive to’h?, ipagpatuloy mo pa sana ang kabaitan mo sa mga tinuturuan mong mga estudyante, pagbutihan mo pa ang iyong pagtuturo at sana makatapos ka ng pag-aaral.
Negative – h’wag ka na sanang maging mahiyain, h’wag kang masyadong mabait at maging disiplina ka sa mga estudyante mong makukulit at ma-iingay --- ok!mukhang kailangan ko na talagang gamiting ang “strict mood” ko…
tanong: tanong ko lang sayo nag-aasawa ba ang “pari”? --- of course, hindi!
“magkaroon ka sana ng magandang buhay at malutasan mo ang mga problemang dumadating sayo…Gob Bless You” --- natouch ako!superrr…tnx


John Matthew R. Plata

Negative – ang ayoko po sa inyo brother ay pag minsan ay masyado kayong tahimik. Ang gusto ko po kasi ay malakas ang trip n’yo ka pag kayo ay pumupunta dito. Sana po sa isang taon kapag kayo po ay nagturo sana po kaunti ay malakas pa ang trip n’yo --- yeahh! Need to take drugs para magkatrip!...high p’re!
Positive – ang gusto ko po sa inyo ay mabait at hindi po kayo matapang at hindi po kayo nagagalit kapag kami po ay ma-iingay sa inyonh pagtuturo.

Raquel G. Padayao

Positive – mabait, nakikisama, palatawa at cute (wa pakels)
Negative – laging late, suplado at binge --- ouch! Sakit nun huh? (defensive mood activate) late kasi naglalakad lang kami, suplado!...I doubt, binge!ammm slight
“sir kahit lagi kaming magugulo ayos lang sayo sana kayo ulit maging brother naming kasi po ang bait ninyo. Alam po ninyo crush daw po kayo ng kaibigan ko. Ang cute n’yo daw kasi eh! Mamimiss naming kayo sir, wala lang basta sir lang!!! bye sir!!! Ang cute n’yo po talaga kaya nga po nababakla sainyo sina marvin at Erwin na matagal ng bakla at authentic (joke) sorry po pasaway kasi kami eh!” --- sorry din! I don’t mean na maging cute ako eh!hehe at nakakabakla ang mukha!haha

Jo Aries C. Reyes

Positive – ang gusto ko po sa inyo po ay mabait, mahinhin (di’ ako bakla huh?) ma-intindihin, at lalo sa lahat mapagbigay ka po. Ang sino mang maturuan n’yo pa siguradong matututu at kahit na ina-abuso naming ang inyo po kabaitan wala na ata masbabait pa sa inyo po, sana lagi po kayong mag-iingat, alagaan po ang inyong sarili at maging istrikto po sana kayo --- no comment
Negative – brother ayaw ko ng tawa mo, parang nakakaloko! Joke… ang gusto ko pa ay aging istrikto kayo para po ay matakot ang susunod na tuturuan mo sa amin at hindi abusuhin ang inyong kabaitan. --- anu ba meron sa tawa ko huh!?hehe

Friday, March 14, 2008

Catechesis….(Ang Drama ng Mga Estudyante ni WHIL)

PART 1

The catechesis is already finish for this school year, but the memory is not yet…I’m still enriching it, every seconds that I stood up in front of my class and every time that they gave to me…I feel how special I am.

Before the class end I concluded my class through evaluation and I ask them too to give me their message if they want (I don’t want to force them to give me a letter, but I prefer it)

The first 10 message goes like this…

Eugenio C. Estrella Jr.

Brother ang masasabi ko lang sa’yo, mabait ka at matulungin, masipag, matapat at higit sa lahat maaasahan ka sa lahat ng bagay” at the back of his paper “I miss u”---wow naman…una palang napapawow na ako…let’s see the next one

Mary Jane B. Sarion

Positive – mabait, nakikisama, matiyaga kahit maingay kami at masipag

Negative – mahiyain --- uyyy shy type daw ako (blush)

“marami po salamatsa pagtitiyaga ninyo po sa amin, kahit na maingay kami. Salamat din po at naging mabait kayo sa amin” --- ahhhh! How thankful naman

Clarissa A. Biag

Positive – mabait, nagsisikap kahit makukulit ang mga tinuturuan, nakikisama at natatawanin at laging nagpapatawa --- clown ba ako?

Negative – minsan ay naiinis --- no it’s normal, u know! Taong being ako eh…

“sana po hindi po kayo magbago, patuloy parin ikaw na masayahin at matiyaga kahit ang iingay nang mga tinuturuan at kahit maiingay kami, h’wag mong kalimutan na mahal ka namin kahit hindi kami nakikinig sa mga tinuturo mo” --- so, di’ pala kayo nakikinig, now I know!hehehe pero thanks sa pagmamahal.

Mariquit A. Vicente

Positive – malakas ang loob batay doon sa kiniwento mo po yong buhay ninyo. Cute ka daw sabi ni Padayao ---vocation story ko yung kinuwento ko, cute daw..yeah I know it, since birth…(blush again…hehe)

Negative – yun nga masyadong mabait at merong kakulangan sa taas, joke! Kaya napagkamalang masbata sa inaakala ng iba --- ayus to huh!? Nakakalbo na ba ako!?

“sabi ng iba meron daw kayong pagtingin doon sa babaeng nasalikodan, maganda naman yun”---ahhh ung teacher nila…watta…wait! Issue ba to’!?

Maica Danica D. Silan

“alam mo po brother napakabait mo samin, at napakatiisin mo po. Sana lang po ay h’wag kang magbabago at h’wag mo rin po sana kaming kalilimutan, kasi po hindi rin naman kita malilimutan eh!!! Sana lang po ay mapangiti kita kahit ito lang sulat ko sa’yo… and iyong estudyante Maica Danica D. Silan (signature over printed name).”--- yeah, napangiti nga ako;)))

M – make

A – also

I – intelligent

C – cheerful

A – always

Dianne G. Dormido

Positive – no comment

Negative – strict, mahilig mang-irap at nakakainis tumawa --- full of issues huh!?

“Brother, sana hindi ka magstric, sana baguhin mo pagtawa mo kasi nakakainis ang tawa mo, h’wag lang mang-irap lagi, tska yung walang kabagay-bagay tawa kana agad. Sana baguhin mo sinulat kong negative na nakikita ko sa’yo...sorry kung prangka ako” --- it’s okay!I will try na magbago, sa isang kondisyon kapag naintindihan ko na ang salitang “irap”.

Moriel E. Olivar

“brother, sana maging strict ka sa amin. Pero kahit hindi ka istricto sa amin, mabait ka pa rin. Sana sa susunod na magturo ka dito sa school na ito, sana hindi maiingay na tulad namin maiingay. ang masasabi ko lang ay c – care, f – full, y – your and s – self...j – just, a – always, p – pray, a – at and n – night” --- I don’t want to become strict to my class because I, personally I hate strict teachers!!!

Grace M. Tamilaran

“alam n’yo po brother, napakabait n’yo po sa amin kahit na minsan hindi mo pinapansin ang mga magugulo, napakabait n’yo pa rin kahit na minsan nababastusan na po kayo sa mga lalaki. Pagpasensyahan n’yo na po minsan kung masyado na kaming makulit, alam n’yo bro, masuwerte kami dahil kayo ang naging brother namin pero!!!...meron din pong kailangan baguhin sainyo, minsan naman po maging malupit kayo hindi naman po yung masyadong parang tinatakot n’yo lang po. Yun lang po ang kailangan baguhin sa inyo, sana kayo pa rin ang maging brother namin sa susunod na taon. Maraming salamat posa pasensya” --- Aside from the Crayola effect of her paper that adds more color, I think there is much color about what she said, yeah your right I need to be strict sometimes, geh n nga I will follow your advice n mga estudyante ko…

Marina I. Tenorio

“salamat pos a pagtuturo n’yo sa amin…kahit na makukulit kami at pasaway. Ang bait n’yo po at cute pa!!!(see! Cute daw ako!hehehe) kahit natatawa kami pagnatawa kayo eh. Kakaiba po kasi ang tawa n’yo sana po Makita pa po namin kayo sa susunod na araw. Sana po ay maging istricto kayo ng kaunti. Marami po kaming natutunan sa inyo!!! “thank you po” sana po malaman din namin ang gusto namin na course kapag lumaki kami o ako” --- actually, di’ kana lalaki!joke...yeah i hope na mahanap n’yo ang gusto n’yo sa buhay, ayoko nga maging strict...

Diannarose A. Delos Santos

“brother wilhelm, uulitin ko po ulit, h’wag mahiyain at pagsasabihan ang mga maingay espicially the boys sabagay siguro ngayon na lang tayo magkikita-kita. Pero mabait syempre at mapagkumbaba. Mag-aral mabuti para maabot mo ang mga pangarap...take care always and be happy everyday”---mag-aaral talaga ako!hehe ok thank you sa message…

Itutuloy…

Thursday, March 13, 2008

The Love Story Elizabeth and Wilbert

My love story with my husband (Wilbert) started when I was 22 years old. At the time I was working in St. Louise de Marillac School of Pili formerly known as St. Catherine Laboure’ School. I work there as a clerk, while working I pursue my schooling taking an additional units in Education because I graduated as a Bachelor of Science in Commerce. My husband, Wilbert was also working at that time in CASURECO II, Pili Branch as electric meter reader/collector. That time they were new in our place in La Paz Subd. Anayan Pili, Camarines Sur. Every time, I met him, he always joked at me. At first, we became closed friends, I think for more than two years. And after that we became engaged for more than 3 years until we got married. I am very thankful to God until now because He gives me a good husband and wonderful children in spite of so many problems.

haven't you wonder who is Elizabeth and Wilbert?...yeah they are my parents and I love them so much...the one who is narrating the story is my very own mom...

you? haven't you dare to ask your parents about their love story...hehe ask them personally and you will see how memory will revived and noticed the glowing part of them...

Finals week…

Yeah! Finals n nmn!ohh ohhh…skit s ulo…lalo n kpg di’ ng-aral…anyway konti n rn lng nmn ang exam nmn…I still have 2 more exam on Friday and Saturday...I hope di’ lumabas ang utak ko s kakaisip at di’ magshortage ang dugo ko s ilong….

Ngaun araw n 2! I don’t have things 2 do at least in this moment…ammm! I’m thinking of sleeping but, sbi ko mamaya nlng n study period!hehe anyway naupo ako s computer and surf the net!...ohh huh!? Buti di’ ako nbasa…anyway while I’m surfing d’ net I chek my multiply account…looking at it!wow…I feel irritated…wlang k buhay buhay!in short dead…hehehe I ask one of my companion…and suddenly an idea come out…revive my multiply account even it is already dead!...so I change the theme and write for the 3rd time in my blog (in multiply)!....ohhh huh!?

Wish that this will continue n!ptpos n rin lng nmn ang 2nd sem…hehehe

Sunday, March 9, 2008

MR. OROZCO makulit

...sabi nila makulit daw ako!...sabi ko nmn! EWAN di' ko alam kng makulit ba talaga ako!

i think normal s tao ang mging makulit...pro bk8 my mga taong kyang mgsuicide s pamamagitan ng knilang panis n laway s di' pagsasalita!? myrun din nmn n akala mo statue n di gumagalaw at mapapaisip ka n ang hinahain nila s hapag kainan ay gamot n png purga s mga bulate pra maiwasan ang pagkamalikot na epekto rw ng mga bulate s tiyan...

ang gulo nuh!?

makulit ako...aminado ko yan! kc paghindi ko p inamin tlgang mpapagkamalan akng makulit...

"kulit mo!...sabing makulit k eh...ayaw mo png aminim...makikipagkulitan kpa!!!"

o diba usapang lasing...
hangan s muli!
bhaboyyy...cheee

seminary life

...hayyy! sunday nd free tym!naku nkakaboring tlga!as in... wla kcng ibng magawa kundi magcomputer!hirap ng ganung life style eh!...

...anyway, kailangan ko magpahinga 4 d great battle mimiya...my team vs. red team s basketball intrams ng seminaryo! c dennis ktabi ko!patay 2 skn mimiya!iiyak 2 ng dugo!hehehe joke! (ayyy...nabasa nya...tawa cya) tinganan daw!sus big "A...S...A"cya skn!(yabang) ...

...anu p b!?

...geh! w8 nlng tau ng result...

hay buhay prng life!...