Friday, March 14, 2008

Catechesis….(Ang Drama ng Mga Estudyante ni WHIL)

PART 1

The catechesis is already finish for this school year, but the memory is not yet…I’m still enriching it, every seconds that I stood up in front of my class and every time that they gave to me…I feel how special I am.

Before the class end I concluded my class through evaluation and I ask them too to give me their message if they want (I don’t want to force them to give me a letter, but I prefer it)

The first 10 message goes like this…

Eugenio C. Estrella Jr.

Brother ang masasabi ko lang sa’yo, mabait ka at matulungin, masipag, matapat at higit sa lahat maaasahan ka sa lahat ng bagay” at the back of his paper “I miss u”---wow naman…una palang napapawow na ako…let’s see the next one

Mary Jane B. Sarion

Positive – mabait, nakikisama, matiyaga kahit maingay kami at masipag

Negative – mahiyain --- uyyy shy type daw ako (blush)

“marami po salamatsa pagtitiyaga ninyo po sa amin, kahit na maingay kami. Salamat din po at naging mabait kayo sa amin” --- ahhhh! How thankful naman

Clarissa A. Biag

Positive – mabait, nagsisikap kahit makukulit ang mga tinuturuan, nakikisama at natatawanin at laging nagpapatawa --- clown ba ako?

Negative – minsan ay naiinis --- no it’s normal, u know! Taong being ako eh…

“sana po hindi po kayo magbago, patuloy parin ikaw na masayahin at matiyaga kahit ang iingay nang mga tinuturuan at kahit maiingay kami, h’wag mong kalimutan na mahal ka namin kahit hindi kami nakikinig sa mga tinuturo mo” --- so, di’ pala kayo nakikinig, now I know!hehehe pero thanks sa pagmamahal.

Mariquit A. Vicente

Positive – malakas ang loob batay doon sa kiniwento mo po yong buhay ninyo. Cute ka daw sabi ni Padayao ---vocation story ko yung kinuwento ko, cute daw..yeah I know it, since birth…(blush again…hehe)

Negative – yun nga masyadong mabait at merong kakulangan sa taas, joke! Kaya napagkamalang masbata sa inaakala ng iba --- ayus to huh!? Nakakalbo na ba ako!?

“sabi ng iba meron daw kayong pagtingin doon sa babaeng nasalikodan, maganda naman yun”---ahhh ung teacher nila…watta…wait! Issue ba to’!?

Maica Danica D. Silan

“alam mo po brother napakabait mo samin, at napakatiisin mo po. Sana lang po ay h’wag kang magbabago at h’wag mo rin po sana kaming kalilimutan, kasi po hindi rin naman kita malilimutan eh!!! Sana lang po ay mapangiti kita kahit ito lang sulat ko sa’yo… and iyong estudyante Maica Danica D. Silan (signature over printed name).”--- yeah, napangiti nga ako;)))

M – make

A – also

I – intelligent

C – cheerful

A – always

Dianne G. Dormido

Positive – no comment

Negative – strict, mahilig mang-irap at nakakainis tumawa --- full of issues huh!?

“Brother, sana hindi ka magstric, sana baguhin mo pagtawa mo kasi nakakainis ang tawa mo, h’wag lang mang-irap lagi, tska yung walang kabagay-bagay tawa kana agad. Sana baguhin mo sinulat kong negative na nakikita ko sa’yo...sorry kung prangka ako” --- it’s okay!I will try na magbago, sa isang kondisyon kapag naintindihan ko na ang salitang “irap”.

Moriel E. Olivar

“brother, sana maging strict ka sa amin. Pero kahit hindi ka istricto sa amin, mabait ka pa rin. Sana sa susunod na magturo ka dito sa school na ito, sana hindi maiingay na tulad namin maiingay. ang masasabi ko lang ay c – care, f – full, y – your and s – self...j – just, a – always, p – pray, a – at and n – night” --- I don’t want to become strict to my class because I, personally I hate strict teachers!!!

Grace M. Tamilaran

“alam n’yo po brother, napakabait n’yo po sa amin kahit na minsan hindi mo pinapansin ang mga magugulo, napakabait n’yo pa rin kahit na minsan nababastusan na po kayo sa mga lalaki. Pagpasensyahan n’yo na po minsan kung masyado na kaming makulit, alam n’yo bro, masuwerte kami dahil kayo ang naging brother namin pero!!!...meron din pong kailangan baguhin sainyo, minsan naman po maging malupit kayo hindi naman po yung masyadong parang tinatakot n’yo lang po. Yun lang po ang kailangan baguhin sa inyo, sana kayo pa rin ang maging brother namin sa susunod na taon. Maraming salamat posa pasensya” --- Aside from the Crayola effect of her paper that adds more color, I think there is much color about what she said, yeah your right I need to be strict sometimes, geh n nga I will follow your advice n mga estudyante ko…

Marina I. Tenorio

“salamat pos a pagtuturo n’yo sa amin…kahit na makukulit kami at pasaway. Ang bait n’yo po at cute pa!!!(see! Cute daw ako!hehehe) kahit natatawa kami pagnatawa kayo eh. Kakaiba po kasi ang tawa n’yo sana po Makita pa po namin kayo sa susunod na araw. Sana po ay maging istricto kayo ng kaunti. Marami po kaming natutunan sa inyo!!! “thank you po” sana po malaman din namin ang gusto namin na course kapag lumaki kami o ako” --- actually, di’ kana lalaki!joke...yeah i hope na mahanap n’yo ang gusto n’yo sa buhay, ayoko nga maging strict...

Diannarose A. Delos Santos

“brother wilhelm, uulitin ko po ulit, h’wag mahiyain at pagsasabihan ang mga maingay espicially the boys sabagay siguro ngayon na lang tayo magkikita-kita. Pero mabait syempre at mapagkumbaba. Mag-aral mabuti para maabot mo ang mga pangarap...take care always and be happy everyday”---mag-aaral talaga ako!hehe ok thank you sa message…

Itutuloy…