Saturday, March 15, 2008

PART 2

Amielyn A. Oruga


To: Bro. Wilhelm,

Sana po ay lagi kayong masaya. Salamat po dahil kahit na magulo at makukulit kami ay pinagpapasensyahan n’yo na lang po kami. Pero kahit po ganun kami, mahal naman po namin kayo bilang brother namin. Parang kuya na po ang turing namin sayo. Maraming salamat po sa lahat. Take care always” J --- hmmp... mga batang kapatid na rin naman ang turing ko sainyo...kaya nga lakas ko magdemand sa subject ko!halata n’yo ba!?hehe joke

Lynemar B. Tupas

Positive – sobrang bait po, laging nagpapasensya --- sorry kung sobrang bait ko huh!? (pahumble effect)
Negative – mahiyain
“pasensya na po sa mga kaklase kong maiingay at masayahin. Salamat po, marami kaming natutunan sainyo. Salamat po sa pagtuturo n’yo ng magagandang-asal – thank you po” --- summary “salamat, in Englisg thank you”
… pahabol message at the back of the paper
“I LOVE YOU BROTHER”



Catherine G. Dela Cruz

Positive – kahit walang prepare lesson nag-iisip pa rin siya ng maituturo --- wala naman laglagan plsss, masipag, mabait at nagawa ng abot sa kanyang makakaya --- taga laguna nga’”nagawa”
Negative – mahiyain at parang wala na akong maisip eh! --- negative n’ya, di’ nag-iisip..hehehe
sana mapagbuti mo pa ang iyong pag-aaral at tsaka magkaroon ng GF, tumingin ka lang sa paligid meron kang ma’am na maganda!joke keep up the good work…d2 lng me” ---asar talaga to’ng mga to’ – iisue ba?…bulag ako di’ makatingin sa paligid!hehe
Pahabol message at the back
“nan d2 lng c ma’am!joke”--- grrrrh!pasalamat kayo at last day n’yo na ako pinagtripan…

Erik B. Bautista

Positive – ang masasabi ko lang po sa inyo ay masyado po kayong mabait sa amin kahit na napaka-ingay namin hindi pa rin kayo galit --- ayoko magalit, kawawa kayo eh!hehe
Negative – masyado po kayong mahiyain, siguro po ay hindi pa po kayo sanay na magturo at hindi ka strikto.
Advise: “huwag po kayong masyadong mahiya kailangan pong aralin ang pagiging strikto para makinig ang inyong tinuturuan. Salamat po!” --- salamat sa advise I will tresure it!

Erwin S. Valenzuela

“Sana po hindi kayo magbago sa lubos na pagiintindi sa kahit na maingay kami sa classroom. Wish ko po na makatapos ka ng pag-aaral mo! Gusto ko sana brother na baguhin ninyo ang pagiging walang kibo sa mga maiingay sa classroom. Mayroon kayong karapatang magalit sa amin kasi po pangalawa ama na kayo sa amin dahil kayo po ay nagtuturo ng mga dapat gawin” --- ahhh dati kuya lang tapos ngayon AMA na…ano kaya sunod?...lolo na kaya!?

Jinefer P. Ybanez

Positive – ang positive po sainyo brother ay mabait at napakagalang n’yo po kahit masyadong po kaming maingay, nagpapakumbaba lang po kayo lagi. Tahimik at palabiro din po kayo…at pinagbibigyan n’yo rin po kami sa lahat --- wow humble daw ako!naksss
Negative – ang negative lang po sa inyo ay yung tawa nyo kasi nakakatawa kapag tumatawa kayo, para kang sinisinok nakakarawa talaga brother, joke! --- ok!...fine, iiyak na lang ako kapag ako ulit ang brother n’yo next school year.


Lito B. Villagracia

Positive – h’wag ka sanang magbago --- sure ka positive to’h?, ipagpatuloy mo pa sana ang kabaitan mo sa mga tinuturuan mong mga estudyante, pagbutihan mo pa ang iyong pagtuturo at sana makatapos ka ng pag-aaral.
Negative – h’wag ka na sanang maging mahiyain, h’wag kang masyadong mabait at maging disiplina ka sa mga estudyante mong makukulit at ma-iingay --- ok!mukhang kailangan ko na talagang gamiting ang “strict mood” ko…
tanong: tanong ko lang sayo nag-aasawa ba ang “pari”? --- of course, hindi!
“magkaroon ka sana ng magandang buhay at malutasan mo ang mga problemang dumadating sayo…Gob Bless You” --- natouch ako!superrr…tnx


John Matthew R. Plata

Negative – ang ayoko po sa inyo brother ay pag minsan ay masyado kayong tahimik. Ang gusto ko po kasi ay malakas ang trip n’yo ka pag kayo ay pumupunta dito. Sana po sa isang taon kapag kayo po ay nagturo sana po kaunti ay malakas pa ang trip n’yo --- yeahh! Need to take drugs para magkatrip!...high p’re!
Positive – ang gusto ko po sa inyo ay mabait at hindi po kayo matapang at hindi po kayo nagagalit kapag kami po ay ma-iingay sa inyonh pagtuturo.

Raquel G. Padayao

Positive – mabait, nakikisama, palatawa at cute (wa pakels)
Negative – laging late, suplado at binge --- ouch! Sakit nun huh? (defensive mood activate) late kasi naglalakad lang kami, suplado!...I doubt, binge!ammm slight
“sir kahit lagi kaming magugulo ayos lang sayo sana kayo ulit maging brother naming kasi po ang bait ninyo. Alam po ninyo crush daw po kayo ng kaibigan ko. Ang cute n’yo daw kasi eh! Mamimiss naming kayo sir, wala lang basta sir lang!!! bye sir!!! Ang cute n’yo po talaga kaya nga po nababakla sainyo sina marvin at Erwin na matagal ng bakla at authentic (joke) sorry po pasaway kasi kami eh!” --- sorry din! I don’t mean na maging cute ako eh!hehe at nakakabakla ang mukha!haha

Jo Aries C. Reyes

Positive – ang gusto ko po sa inyo po ay mabait, mahinhin (di’ ako bakla huh?) ma-intindihin, at lalo sa lahat mapagbigay ka po. Ang sino mang maturuan n’yo pa siguradong matututu at kahit na ina-abuso naming ang inyo po kabaitan wala na ata masbabait pa sa inyo po, sana lagi po kayong mag-iingat, alagaan po ang inyong sarili at maging istrikto po sana kayo --- no comment
Negative – brother ayaw ko ng tawa mo, parang nakakaloko! Joke… ang gusto ko pa ay aging istrikto kayo para po ay matakot ang susunod na tuturuan mo sa amin at hindi abusuhin ang inyong kabaitan. --- anu ba meron sa tawa ko huh!?hehe