Thursday, June 28, 2007

ACTS no. 1

(1, 2, 3, 4 )

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot pag-ibig di magpapagod.

tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos pag-ibig di matatapos"

"At last we already finish our item" ang reaction ko,
pero bago pa man matapos ang dramang ito bumalik muna tayo sa, kung anong nangyari nung gabi bago magpresent ng item!

(black and white effects)

naghahanda ang ACTS youth group ng kanilang item sa visitors lounge ng kanilang bahay,

"pre! ano bang' item natin? with a smile na ba talaga?" sabi ng active member na si james
"oks! kahit ano kakayahin naman natin" pagmamalaking sabi ko.

nag-umpisa ng magpraktis ang ACTS youth group (simply the best), maagang natapos ang praktis namin at hindi pa nakontento tumugtug pa kami ng mga alam naming kanta. masaya ang naging jamming ng group.

"pre!ano ok na ba yong item natin" tanong ni mr.secretary na si del
"ok na yun!" sabi ni james
"what if! dagdagan pa natin ng kanta, at least dalawa ang item natin para feeling concert talaga? sa tingin mo aries?" ang tanong ko.
"Oo nga! any suggestion?" ang pagsasangayong sagot ni mr. president and vocalist.

nagpatuloy sa pag-iisip ang mga kawani ng groupo (enzo! madamdaming sound effect plz!)
nabasag ang pag-iisip ng biglang dumating ang former president ng groupo na si Dennis, dala ang malaking ngiti at guitara na animo'y maghaharana.

"mge pare! musta? may item na kayo?" may halong pangiinsultong tanong ni Dennis
"kailangan namin ng isa pang item" sagot ng active member na itago natin sa pangalan James Aro

nagstum ng guitara si Dennis, at sa pagstrum niya napag-alaman ko na pamilyar saakin ang tinutugtug niya, kaya ganun na lamang ang pagkabighani ko ng tumama ang hula ko.

"magbalik yan diba?yan title ng tinutugtug mo? by Callalily?" excited na tanong ko
"yup, yup, yup" ang tanging sagot ni dennis.....

:itutuloy...

No comments: