Saturday, June 30, 2007

ACTS no. 2

cont...

napag-isipan na ng ACTS youth group na kompletohin ang kanta, tinugtog, inawit, tinugtog, inawit, tinugtog, inawit, tinugtog, inawit, hangan sa matapos ang kanta.

"yun! natapos din makakatulog na ako" sabi ng great guitarist ng grupo na si del.
"oo, nga eh!" tanging sagot ni aries.

--=after dinner=--

"pre! ready ka na ba sa jamming natin mamaya?" tanong na may halong kaba ni del
"ako pa!" ang pagmamalaki ng gumawa ng kwentong ito

natapos na sa paghuhugas ang mga border ng bahay ni kuya, ang iba kabado at ang iba naman ay masaya sa gagawin rehersal para sa kinabukasang pragram para sa mga minamahal. nagsipuntahan na ang mga border sa lugar kung saan gaganapin ang isang malaking production ni Fr. Prefect.

"ito na ang oras ng paghahatol" ang sabi ng nagbubutil-butil na si James Aro
"pre! relax puso mo" sabi ng bagong ligo sa pawis na si dennis
"alam nyo! kaya natin to!relax" ang sabi naman ng lumalangoy sa pawis na si aries

napatuloy ang rehersal at hindi na ito mapipigulan pa, kaya naman..

"representing the ACTS youth group"

"ay tayo na pala" nanginginig na wika ni del
"tara na!" ang tanging sinabi ko

nakatayo na ang mga kawani ng grupo at handa na silang ipakita ang kung anong mayroon sila. nagstrum na ng guitara si dennis at sinabayan ko ito ng beat gamit ang kahon at pumasok na ang lahat ng instrumentalist.

naging masaya ang jamming, nawala ang kaba habang nagpapakitang gilas na ang grupo. naging masaya rin ang mga tao at sumasabay pa ang mga ito sa kanta.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot pag-ibig di magpapagod.
tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos pag-ibig di matatapos" ang lyrics na kantang kinakanta ni aries

natapos na ang gripo sa pagpakita ng kanilang mga natatagong kakayahan. tumabi na sila at parang wala lang nangyari sa kanila.

"pre! no sweat" pagmamayabang ni del
"owssssss" ang tanging reaksyon na lamang ng grupo

--=kinaumagahan=--


nasa mass pa lang alam na kung sino ang kinakabahan, malikot umupo, palingon-lingon, nagbubutil at parang ewan.

natapos ang mass at kainan at mukhang nabilisan ang bawat kawani ng grupo na aliw na aliw sa mga pagkain.

"pre!tapos na agad kumain" sabi ni del na lunok pa ang hita manok
"oo, nga ang bilis" sabi ko na ngumunguya ng meatballs
"ready na ba kayo" tanong ng punong bibig ni aries...

:itutuloy...


2 comments:

aries_arevalo_ax said...

pare galing ng narration mo! thank you sa jamming...

whil_05 said...

tns din s jamming!hehehe

abangan mo ang susunod na kabanata!hehehe