"grabe talaga disaster talaga" sabi ng humihingal na si pedro
"oo nga buti na lang hindi nagiba ang bahay namin" angal ni juan
"ito na ang katapusan ng mundo" sabi ni aling nelly
"alam mo? maswerte na tayo dahil ganito lang ang inabot natin" mapayapang pahayag ni mang edgar
"(tumatawa ng parang sabog sa droga) magnanakaw ako ng mga lumipad na yero (tawa ulit)" wika ni berting
"(mura ng mura) nadali ang kusina namin (mura ulit)" pagpapahayag ni aling tesi
"papa! gawang mo ako ng bangkang papel" wika ng walang kamuwang-muwang na si arnold
"disgusting naman! hindi na tayo makakapag mall" reaksyon ng dalagang si tina
"wow pare hanep rock en roll! lakas ng tama" ang sabi ng drogging si Clemens
"kumusta kaya ang iba? Ok lng kaya sila?" nag-aalalang wika ng poging si Wilhelm
"owsssss" sabi ng nagbabasa
Ibat-ibang reaksyon sa ano man problema na kinahaharap natin. Sa dumaang bagyo marami ang nawalan ng bahay, kinabuhayan at kung minalas talaga, buhay ang nawala, weather weather lang yan! ang sabi ng iba, may swerte at may malas, may masaya at mayroon din naghihinagpis. Sa dumaan o sa dadaang bagyo sa buhay mo, ano kaya ang reaksyon o magiging reaksyon mo? magiging makasarili ka ba sa iyong reaksyon o iisipin mo ang ibang tao? (huwag kang mabahala hindi ko mababasa ang isip mo'',)
Sa buhay natin pag may dumating na bagyo ano ang reaksyon mo? panu mo ito haharapin?
Sa aking pananaw na pumanaw na, maraming paraan ang pwedeng gamitin para harapin ito. Ang tali at bala ng baril para wakasan ang buhay, kaya lang tama ba ito? Ang alak at mga bisyo, kaya lang nakatutulong ba ito? Ang paa para takbuhan ang bagyo, kaya lang hanggan kelan ito? (tingggggg) aha! gotcha, tulad ng bagyo ano ba ang ginagawa natin kapag dumarating ito?
Wala ka man magawa sa bagyo kapag bumisita ito, tulad ng isang bisita na kahiya-hiya naman kung pa-aalisin mo. kaya marapat lamang na eentertain ito. tulad ng bagyo sa buhay natin gustohin man natin palayasin ito, ngunit kahit anong pilit hindi ito aalis (makapal ang mukha eh!) kailangan lang naman natin maging matigas ang ulo at huwag sumuko para maiisip nitong "Wow! kakaiba ito! di ko macare" tulad din ng isang tunay na bagyo ang bagyo ng buhay malakas ito at kailangan mo ng masisilungan. Sa paghahanap ng masisilungan kailangan matatag ito. tulad ng Diyos na walang kasing lakas at tatag, mga magulang na laging nariyan para samahan ka at mga kaibigan na walang sawang gumagabay sa iyo. Sila ang mga mahalaga sa buhay na tanging masisilungan sa oras ng bagyo sa buhay ng tao.